SEASON 2: F.E.A.R 3

1.6K 31 0
                                    

3rd Person's POV

Mabilis ang bawat pag hinga niya. Ni hindi ikinukurap ang mga mata. Maagap ang bawat kilos at maingat na nag masid sa paligid niya...nila.

" Robin, ano ba? Ayos ka lang ba dyan? Papasok na ba ako? "
Tanong ng isang lalaking blonde ang buhok at may seryosong mukha.

" I'm fine. Just give me a signal kapag may mga intruder. "
Sagot naman ng babaeng abala sa pag limas ng mga pera at alahas sa isang safe box.

Habang nililimas niya ang ari arian ng lalaking naka handusay at wala ng buhay, napadako siya ng tingin rito. Biglang bumagal ang kanyang kilos habang unti unting nag dadalamhati ang mga matang malungkot. Napa yuko ang babae saka tumitig sa mga palad.

" Naka patay na naman ako. "
Halos pabulong na sabi nito.

" I'm sorry. "
Dagdag pa niya.

" Pwede bang bilisan mo? "
Tila nawawalan na ng pasensya ang lalaking naghihintay sa tapat isang malaking bahay na pinasok nila.

Biglang natauhan ang babae saka dali daling kumilos. Tumayo na ito dala dala ang isang itim na bag at mabilis na nilisan ang silid ng matandang lalaki. Maingat itong nag lakad sa isang magara at mahabang hagdan. Nang makalabas siya ng mansyon, nilingon niyang muli ang mala palasyong bahay saka tuluyang lumabas at sumakay sa loob ng isang lumang sasakyan.

" Sa susunod, bilis bilisan mo. Pwede tayong mahuli at i-deport sa ginagawa mo eh. Tandaan mo, iligal ang paninirahan natin dito sa Arkazea. "
Sermon ng lalaki habang kinakalkal ang laman ng itim na bag.

Sumilay ang isang matagumpay na ngiti sa labi ng lalaki habang ang kasamang babae naman ay tila nawala sa sarili habang nakatanaw lamang sa labas ng bintana.

" Robin. "
Tawag ng lalaki.

Hindi naman lumingon ang babae na animo'y wala nadinig. Huminga ng malalim ang lalaki na para bang nag titimpi.

" Star Robin. "
Tawag niya sa buong pangalan ng babae.

Sa oras na iyon, tuluyang nagising ang diwa ni Star Robin saka binalingan ang kasama na may pag tatakha sa kanyang mukha.

" Ano yun, Bry? May sinasabi ka ba? "
Wika ni Star Robin.

Imbes na sumagot. Kinuha ni Bry Allen Jacobs ang kaliwang kamay ng dalaga saka inalis ang itim na guwantes na suot nito. Tumambad sa kanila ang malaking bahagi ng kamay ni Star Robin na tila nalapnos dahil sa sunog. Hinalikan iyon ni Jacobs saka nginitian ang babaeng naka suot ng itim na balabal.

Agad kinuha ni Robin ang kamay saka isinuot muli ang itim na guwantes.

" Halika na. Hinihintay na nila tayo. "
Sabi ni Star.

Nag bigay lamang si Jacobs ng isang tipid na ngiti saka pinaandar ang lumang sasakyan.

***

" Hahaha! Ayos! Hindi ako nagkamaling kupkupin kayo. Tignan mo nga naman oh. Ang dami niyong nalimas na pera at alahas. Grabe. Hangang hanga ako sa inyo. "
Masayang bulalas ng isang mataba at may katandaang lalaki.

May suot itong eye patch sa kanang mata at puno ng tattoo ang buong katawan.

" Salamat, boss. "
Sagot ni Jacobs.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now