SEASON 2: F.E.A.R 23

351 8 8
                                    


3rd Person's POV

"Lucille, tumigil ka na nga. Bumalik na lang tayo sa M Empire."

Iritadong suhestyon ni Callie sa kaibigan.

Patuloy lamang sa pag lilinis ng kanyang mga baril si Lucille at tila wala itong narinig na hinaing mula sa kasama. Tumayo naman ng padabog si Callie na dumaing naman kay Kiira.

"Pag sabihan mo 'yang kaibigan mo, Kiira. Badtrip!"

Ani ng dalaga saka lumabas ng kwarto dahil sa inis.

Sinundan lamang ng tingin ni Kiira ang pag labas ni Callie sa kanilang hotel room. Dumako naman siya sa direskyon ni Lucille na tila nawawala sa sarili dahil sa panginginig ng mga kamay nito habang hawak hawak ang baril na nililinisan nito.

"Gumamit ka na naman ba, Lucille?"

Tanong niya.

Hindi pa rin kumibo ang dalaga.

"Hindi mo dapat ninakaw yung drug na gawa ni FEAR. What's worse? Ginagamit mo pa! Hindi natin alam kung anong magiging epekto niyan sa katawan mo."

Tuluyang lumapit si Kiira sa kanya saka hinawakan nito ang mga kamay ni Lucille.

"Lucille."

Madiin niyang tawag.

Napa hinto si Lucille saka tumitig rin sa mga mata ni Kiira.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

Kiira.

"Kiira, hindi ako pwedeng matalo ni FEAR."

Sagot niya saka dumako sa kabilang direksyon.

Kiira released a heavy sigh.

"Lucille, we don't need to go this far just to fight her. Ano bang dapat mong patunayan? As long as we have power, okay tayo."

Pilit niyang pagkumbinsi sa kaibigan.

"You don't understand me, Kiira. I'm aware that I put your life in danger the last time and I apologize. M Empire is the only thing left for me. Yung mundong 'yun kung nasaan si FEAR ngayon at nagpapakasaya? Sa akin yun! Ako ang may ari 'nun!"

Paglalabas ni Lucille ng sama ng loob.

"Alam kong hindi ako tunay na Robertson pero may karapatan ako. Ilang taon kong pinagpaguran ang pangalang 'yon. Nag sikap ako. I proved myself! Darn it! Makikipag patayan ako para sa karapatan kong pamunuan ang M Empire."

Matatalim ang mga mata niyang tumitig kay Kiira.

"Yayanigin ko si FEAR. That woman? Psh! It's just her façade, being a strong powerful lady. But inside? She's very fragile. I am telling you. I should know. Sabay kaming lumaki."

Dagdag pa nito na may kasamang nakakatakot na ngiti.

Naalarma sa Kiira sa pagbago ng emosyon ng kasama.

"A-anong binabalak mo?"

Utal niyang tanong.

Lumapit ng bahagya si Lucille. Hindi pa rin nabubura ang kakaibang ngiti nito. That smile makes Kiira shivers.

"I will fly to Ziam. Bibisitahin ko lang si Paris Harder. Bonus na rin siguro si Nathaniel Blair."

-Lucille

"Don't do anything. I'll go with you."

-Kiira.

"No. Dito ka lang. I can manage. 'Yung mga taong 'yun? Isang pitik lang sila. Hahaha! Just watch how France Harder blame FEAR for the death of her precious sister. *grin*"

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now