F.E.A.R 46: GOODBYES

1.8K 34 0
                                    

3rd Person's POV

" Maybe this is the last time na bibisitahin kita. Huwag kang mag alala, may mag aalaga sa iyo sa oras na mawala na ako...I think two years is enough to rest. Kailangan mo ng gumising. Oo nga pala, I left a note under your favorite pillow, at sa tingin ko mababasa mo lang yan kapag wala na ako. I have no idea when will that day be. What more important is, I know mababasa mo iyan...sa takdang oras. Bear with me, if that note is quiet long, I wrote the wonderful things that just happened in my chaotic life. Of course, I wrote there about him. About how he changed my life. Patawarin mo ako kung sa kabila ng mga nangyari sa'yo, may gana pa akong humingi ng pabor. Pwede ba? "

Umayos siya ng upo sa gilid ng kama saka kinuha ang isang kamay ng babaeng naka higa at walang malay. Maraming iba't ibang apparatus ang naka tusok at naka kabit sa mga bahagi ng katawan nito upang sumuporta sa pag dugtong ng kanyang buhay. Marahan niyang hinaplos ang namumutlang kamay ng babaeng mahimbing at payapang natutulog.

" Please, take care of him. Ikaw na ang bahala. Don't worry, he's kind. He is one of a kind. Magkakasundo kayo ng taong yun. Just be patient kasi makulit siya at matigas ang ulo. *chuckles* Pwede bang sakaling malungkot siya, ikaw na ang bahalang magpasaya sa kanya? Kapag nagagalit siya, sana di ka magsawang intindihin siya. Please, sabayan mo siyang tumawa sa tuwing masaya siya. Sana...maging masaya siya... "

Pinigil niya ang namumuong luha kahit na masakit pa sa lalamunan at mahapdi na sa mata. Ngumiti siya na may purong sinseridad.

" France...I am leaving it all to you. Pasensya ka na, ikaw na lang kasi ang maaasahan ko. Siguro, hindi mo ako maiintindihan sa ngayon pero alam kong darating ang araw na maiisip niyo including Galaxy and the rest, na lahat ng bagay na ginawa kung saan hindi maganda sa mga mata niyo at labag sa kalooban niyo ay nagawa ko lang para maprotektahan kayo. I'll try my best to fight and stay, and keep my slot to live. But, if life is still against me, I will accept all the consequences and my life would be the payment of my debts. "

Tumayo si FEAR saka marahang ibinalik ang kamay nito sa taas ng kanyang tyan. Ngumiti siya bago tuluyang nilisan ang silid.

***

" I am hoping the day will come na, you will forget everything and move on. "

Tinungga niya ang bote na may alak. Gumuhit ang napaka tapang na lasa nito at animo'y sinisimulang silaban ang kanyang lalamunan.

" Hindi iyon ganun kadali. It's still fresh even though months passed me by. Masakit pa rin dito. *turo sa puso* "
Sagot niya sa may basag na boses.

Tumango tango naman siya bilang tugon.

" I know. But, hindi mo ba naiisip? She's mad at you right now. Because, you are trying to ruin your life. You know her, she doesn't want you to suffer. You are her baby brother. You know what? I know she felt something for you nung magkakasama pa tayo. Naramdaman ko yun. The way she looked at you? Alam kong nahuhulog na rin siya. If you think, you're in an unrequited love, I am so sorry but I beg to disagree. She loved you. "

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ng taong kausap nito.

" Talaga? Buti ka pa, naramdaman mo yun. Ang manhid ko talaga... "

Pinunasan nito sandali ang mga luhang nag uunahang tumulo.

" Ang hina ko talaga. Sana ginalingan ko pa ang panliligaw at panunuyo sa bebe ko...edi sana iba ang naging direksiyon ng mga buhay namin. "

Tumatango tango ito habang taimtim na nakikinig sa isang kaibigang lubos na may hinanakit.

" Alam mo ba, minsan naiisip ko...paano kaya kung yung mga ikinilos ko noon ay hindi ganoon? Alam mo yung mga nagawa ko na hindi ko dapat ginawa. Baka kasi sakaling wala ako ngayon sa sitwasyon kong ito. *chuckles* Hindi mo siguro ako naiintindihan. Siguro kung hindi sana ako pumayag na bumalik dito, magkasama pa sana kami ngayon. "

F.E.A.R (The Mafia Queen)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora