SEASON 2: F.E.A.R 18

1.3K 30 5
                                    

Gray's POV

Okay. This is the day, readers. Mag aaya na akong magpakasal sa babaeng mahal ko. I can't wait to see her. Ayoko sanang mawala yung pagiging cool ko mamaya kaso baka hindi ko mapigilan ang aking pag iyak. Pffft! Okay lang naman siguro iyon. Isipin na lang nating tears of joy. *grin*

Inabot ko ang telepono sa ibabaw ng aking kama upang kumustahin ang last minute na pag hahanda ng grupo ni Raffy sa lugar kung saan ako magpo propose. Hindi pa man nag tatagal ang ring ay sinagot na agad ito.

"Okay na ba ang lahat, Ms. Raffy?"
Tanong ko.

Masaya naman niyang ibinalita sa kabilang linya na ako at si Skylar na lamang ang hinihintay. Nagpasalamat naman ako saka ibinaba na ang tawag. Sunod ko naming idinial ang number ng mahal ko.

"Argh! Hanggang ngayon, matagal pa rin siyang sumagot ng tawag."

After few rings, sinagot na niya.

"Ang tagal mo naman sagutin!"
Bungad ko.

"Aba! Malamang nag hahanda ako! Bakit ba kasi nakapa biglaan nitong dinner na 'to!"
Ganti niya sa kabilang linya.

Napatawa ako. So cute.

"Basta! Gusto ko lang makasama ka. Masama ba yun?"
I softened my voice.

"Eew! Stop that! Sige na, ibababa ko na ito. I'll just see you there. Papunta na ako. Bye, I love you! "

Hindi pa man ako nakasasagot ay ibinaba na niya ang tawag. Inihagis ko naman ang telepono sa ibabaw ng kama saka nagmadali na ring mag ayos. Hindi pwedeng mauna siya sakin doon.

Pag tapos kong mag ayos, sumakay na ako sa aking sasakyan saka pinaharurot ito. Wala pang kinse minutos ay dumating na ako sa Miranda's Restaurant. Sinalubong agad ako ni Raffy saka kami dumako sa likod kung nasaan ang garden.

"Nice, Raffy. Ang ganda ng gawa ng team ninyo. I like it."
Papuri ko.

"Thank you, Doc Gray. Paano ba 'yan. Mauuna na kami. Nasa iyo na ang diskarte ngayon. Hanggang dito na lang kami."
Naka ngiti nitong sabi.

"Goodluck, Doc Gray! See you on your wedding day!"
Raffy

Nagpasalamat naman ako saka sila hinatid sa labas ng Restaurant. Tumungo naman ako sa pwestong naka reserve para sa amin. Hindi pa man ako nag iinit sa aking kinauupuan nang may pumasok at winelcome sa loob ng Restaurant. She's wearing a blue dress with light make up on her face. Akalain mong marunong pa lang mag ayos ang babaeng ito. Pffft!

"Aray!"
Daing ko sa hampas niya.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?"
Naka taas ang kilay na tanong nito.

Tumayo naman ako upang humalik at ipag hila siya ng upuan.

"Wala. You look beautiful on that dress. *whisper* But, you will look more beautiful on your wedding dress."
I replied.

"Ano yung huli mong sinabi? Hindi ko narinig. "
Aniya.

"Let's order."
Nakangiti kong sabi at sinadyang hindi na siya sagutin.

Lumapit ang waiter saka siya nagbigay ng kanyang oder at maging ako rin.

Matapos ang ilang sandali ng kainan, kwentuhan, tawanan, lambingan...napagtanto kong oras na para sa highlight ng gabing ito. Nagpaalam ako sandali upang pumwesto. Kinindatan ko naman yung babaeng waitress na siyang mag aaya kay Skylar upang silipin ang kanilang garden sa likod ng kanilang Restaurant. Nakita ko pa ngang namula ito pero sorry na lang dahil matatali na ako sa babaeng amazona hahaha!

Nagpalit ako ng tuxedo saka ibinulsa ang singsing na kanina pa nag hihintay na maisuot sa daliri ni Skylar. Tumayo na ako sa pwesto ko, sa harap ng isang tila altar. Kinansela ko ang paglalagay ng pekeng pari dahil gusto ko kaming dalawa lang sana ang nandito. Isa pa, malay natin, ma-reject ako, at least ako lang ang naka witness, langya!

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now