SEASON 2: F.E.A.R 14

1.3K 31 5
                                    

Someone's POV

" Bakit sobra ang galit mo kay F.E.A.R? May history ba kayong dalawa? Sa pagkakaalam ko, wala naman kayong malalim na ugnayan. "
Sabi ko sa kanya.

Hinithit muna niya ng sagad ang kanyang sigarilyo bago niya ito tuluyang ipiniid sa ashtray na nasa mesa. Hindi pa rin niya ako tinitingnan at sa labas lamang siya naka tingin. Sa tingin ko'y pinagmamasdan niya ang mga nyebeng nahuhulog mula sa kalangitan.

" How would you feel if someone you really trust was the same person who were hurt you the most? "
Iyan lamang ang tanging sagot niya.

Hindi ko nga alam kung sagot ba iyon, parang binato lang rin ako ng tanong. Gayonpaman, sinagot ko pa rin siya kahit nalilito na ako.

" Of course, I would feel bad and hurt and betrayed, basta all of the words that can describe my pain. "
Simpleng sagot ko.

Umayos siya ng upo at diniretso ang kanyang likod samantalang ipinatong naman niya ang mga siko sa mesa at itinukod ang mga kamay at braso sa kanyang baba.

" Exactly. I was hurt and I am still hurting. "
Tila masakit ang pagkakasagot niya.

" Okay. So, what she did to you? We've been together for so many years and you were asking and ordering me to do things that beyond my limit. But, I didn't refused nor complaint against you because we're friends and I owe you a lot. Pero, pwede ko na bang malaman ngayon ang mga mas malalim mo pang rason? "
Sabi ko.

Tumayo siya saka niya ako tinalikuran pero naka rinig pa ako ng isang sagot na hindi mo malaman kung ikatutuwa ko o hindi.

" You'll know everything soon. "
Maikling sagot niya.

Napa pikit na lamang ako. Okay.

------------------------

Nathan's POV

" Hello, France? Okay lang ako. Huwag kang mag alala. Kapag napilit kong umuwi si Nathan, mag uusap tayo ha? Okay bye. "

F.E.A.R (The Mafia Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon