F.E.A.R 12: PAiN

4.4K 79 3
                                    

Update~

Enjoy Reading!

Onnyx's POV

@ **** Bar

" One more. "

Sabi ko sa waiter.

Habang hinihintay ko ang order ko ay tinitigan ko ang litratong nasa kanang kamay ko. Litratong pinapahanap niya sa akin. 1 week had passed but still I can't find any clue tungkol sa taong pinapa hanap sa akin. Hindi ko malaman kung saan at kung paano sisimulan ang pag hahanap. Sadyang napaka hirap hanapin ng taong nawawala, ilang taon  na ang lumipas.

Sino ba kasi ang babaeng ito? Bakit niya pinapahanap ang isang taong napaka tagal ng nawawala. Nawawalang anak ba niya ito? Tss. Ano bang pakialam ko? What important is mahanap ko ang taong ito dahil siya ang sagabal upang maka sama ko ang mahal ko.

Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. I checked my wall clock and it's 7:30 already. Late na naman ako sa 1st class. Dali dali akong nag ayos at bumaba agad ng building saka pinaharurot ko ang kotse ko. 8:30 ng maka rating ako. Pasakay na ako ng elevator ng matanaw ko ang babaeng napaka kulit kasama na naman yung buntot niya. Dali dali kong isinara ang pinto ng elevator kaso biglang may pumasok kung kaya't naabutan nila ako. Napa face palm nalang ako.

" HOY MR. DRiTTON!!! TATAKASAN MO PA KAMI AH! LUMABAS KA DYAN SA ELEVATOR! MAG TUTUOS TAYO!!!!! "

Sigaw niya na naka agaw ng atensiyon ng lahat.

" OO NGA!!!! SAAN MO ITINAGO SI FiRE HA?!!!! ILABAS MO NA SIYA!!! "

Dagdag pa ng buntot na ito.

Nanatili pa rin akong naka tayo at prenteng naka pamulsa na parang walang naririnig. Gusto kong matawa sa itsura nilang dalawa na animo'y nakakita ng kriminal na ayaw magpa huli. Kung isang linggo na akong nag hahanap ng impormasyon tungkol sa taong hinahanap ko ay isang linggo na rin akong kinukulit ng dalawang 'to tungkol sa nawawala ' daw ' na si Fire Brown.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now