F.E.A.R 48: SHE CARES

2.1K 35 6
                                    

Ullysses' POV

This is the day. Iaannounce na sa buong Mafia World ang tungkol sa pagsasanib pwersa namin sa grupo ni FEAR. Pero bago iyon, isang sorpresa muna ang ihaharap ko sa babeng mahal ko.

Nauna na ang ama ko at oras na para sumunod kami doon.

Pumasok ako sa silid ni FEAR at nakita kong sinusukatan siya ng damit para sa party mamayang gabi.

Walang kakikitaang emosyon sa kanya pero sisiguraduhin kong sasaya siya sa sorpresang ihahandog ko sa kanya.

" You're beyond beautiful. "
Naisambit ko.

Nakita kong ngumiti ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit tiningnan lamang niya ako saka bumalik ang atensiyon sa pag usisa niya sa gown na isusuot.

" Leave us for a while please. "
Utos ko sa mga nag aayos sa kanya.

Wala namang tanong at mabilis din silang sumunod. Naiwan kaming dalawa. Kaming dalawa na lamang ngunit hindi niya ako magawang tingnan.

Umalis siya sa harap ng salamin saka ako nilagpasan na para akong masamang hangin na pilit niyang iniiwasan.

" Magbihis ka. May ipapakita ako sa'yo. Hihintayin kita sa labas. Siguradong ikatutuwa mo ito. "
Sabi ko saka lumabas.

***

" Here. "

Abot ko sa kanya ng baril. Tinignan lamang niya ito saka umiba ng direksiyon. Naka tingin lamang siya sa bintana ng sasakyan. Sinusubukan niya ako. Pero hinding hindi ako mawawalan ng pasensya.

" Come on, FEAR. Take it. You'll be needing this. "
Wika ko.

Padabog niya itong inabot at inilagay sa bulsa ng kanyang suot na leather jacket. Ngumiti lamang ako saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Ilang minuto pa ang itinagal at nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Pinag buksan ko siya ng pinto saka kami pumasok sa loob ng lumang bahay.

" Do you really need my presence here? Wala ba kayong lakas ng loob pumatay at sa akin niyo pa ipapagawa? Bullshit. "

Finally, nag salita na rin siya. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti.

" Stop smiling. It doesn't suit you. "
Seryosong sabi niya.

" I know. Anyways, we don't have the rights to kill someone especially kung wala namang atraso sa amin ang taong 'yon. Let's go. They are all waiting. "
Sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

" Oh, kumpleto na pala kayo. Sorry, we're late. "
Sabi ko pagpasok pa sa isang malaking kwarto.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni FEAR sa nadatnan niya. Told you. *ngisi*

" Mukhang nagulat ka ng husto, FEAR. "
Puna ng ama ko.

Ano sa tingin niyo ang scenario ngayon?

Imagine. May isang taong nasa harap ng maraming tao. Marami siyang sugat, pasa at kung ano ano pang makakadagdag sa sakit na dinaramdam niya. Wala siyang magawa kasi wala siyang kawala.

Alam niyo ba kung ano pa ang pinakamasakit sa eksenang ito? Iyon yung makikita ka ng mga anak mo na papatayin ng walang kalaban laban.

Guess who?

Miguel Blood? You're right! Mga anak? Nandito ngayon sa harap niya ang kanyang mga anak. Sina Autumn Blood at Andrew Galaxy Black.

Yes, si Andrew Galaxy Black.

" G...galaxy, what are you doing here? "
Utal na tanong ni FEAR.

Yumukod lamang si Galaxy saka nilingon ang ama. Kung kaya't ako na lang ang sumagot para sa kanya. Mukha kasing hindi niya kayang aminin kung sino talaga siya.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now