SEASON 2: F.E.A.R 24

362 9 2
                                    


3RD Person's POV

Dumating si FEAR sa isang abandoned house sa Arkazea na malapit sa dalampasigan – pagkatapos niyang ipa-cremate ang mga labi nina Domingo at Paris na ipinahatid naman niya kay Venice sa Pilipinas upang ibigay kay France.

Habang bumabyahe pauwi ng Arkazea, nakatanggap siya ng isang mensahe mula sa isang taong hindi nagpakilala. Nang makababa mula sa kanyang yate ay sumalubong sa kanya ang isang abandoned house na ang katapat ay isang napakalawak na dagat.

Pumasok siya sa loob at isang tao ang kanyang nadatnan na tila hindi niya nagustuhan dahil mas lalo lamang itong naka dagdag sa sakit na nararamdaman niya.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't sinabi ko sa'yong umalis ka na dito? Gusto mo ba talagang mamatay?"

Sunod sunod na tanong ni FEAR sa taong iyon.

"Ang sabi ko sa sarili ko babalikan kita. At least sa pagbalik ko, may iaalay ako sa'yo. Baka sakaling magbago pa ang isip mo."

Sagot sa kanya na hindi niya nagustuhan. 

Nag cross arms si FEAR at saka tinitigan lamang si Onnyx na seryoso ring nakatitig sa harap niya. Huminga ng malalim ang dalaga bago siya nag salita.

"I already gave my all to you hanggang sa maubos na lang ako. Hindi lahat ng kwento ng dalawang tao ay palaging may happy ending. Hindi mo ba naisip na mas magandang magkaroon ng kanya kanyang good ending ang dalawang taong involve sa dati nilang love story? I prefer that rather than forcing each other's love against all odds. Kasi nakakapagod. Sobra."

Marahang litanya ni FEAR habang kitang kita sa mukha niya ang pagod at stress dahil sa mga nangyayari ngayon sa kanyang buhay.

Napayuko si Onnyx at pilit na pinipigil ang nagbabadyang pag luha. Muli siyang nag angat ng tingin saka tumango tango.

"Siguro kahit anong pilit ko, hindi ka na talaga babalik. Sobrang tigas na ng puso mo, FEAR. You've changed a lot. Hindi na kita kilala."

Pagpapakumbaba ni Onnyx saka bumaling sa ibang direksyon.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan hanggang sa mag salita si Onnyx at humingi ng pabor.

"Can I ask you a favor for the last time?"

Tanong niya.

Tumitig si FEAR bago sumagot. Malapit na ring lumubog ang araw at iniisip pa niya kung tama bang pag bibigyan niya ang hiling ni Onnyx o umuwi na sa nag hihintay na si Unique. It has been 2 days since they haven't seen each other dahil sa pag punta ni FEAR sa Ziam upang ilantad na sana ang sarili kina Domingo at Paris, nang malaman niya ang gagawin ni Lucille ay hindi na niya nagawang makipag kita pa sa dalawa. It has also been 2 days since Unique proposed to FEAR again and she said 'yes'.

"Pwede bang samahan mo muna ako hanggang sa pagsikat ng araw?"

Tanong muli ni Onnyx kahit hindi pa sumasagot si FEAR.

Alanganing tumango si FEAR at hindi na nag isip pa ng matagal.

*

Naka upo lang ang dalawa sa dalampasigan. Mula kanina ay hindi pa sila nagkikibuan at tahimik lamang silang naka titig sa malawak na dagat hanggang sa mag salita si Onnyx.

"You know what, hindi ko inaasahan na darating tayo sa ganitong sitwasyon. Alam mo bang sobrang nadudurog ang puso ko ngayon?"

Pagsasabi niya ng saloobin sa nakatulalang si FEAR.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now