F.E.A.R 11: HOPELESS F.E.A.R

4.9K 72 2
                                    
Yow! Update again :) Enjoy!

Third Person's POV

" Minsan kung sino pa yung mukhang malakas at hindi kayang matibag ay sila yung mga taong dapat mas alagaan at pahalagahan dahil sa kanilang kahinaan. "

Paulit ulit na lamang pumapasok sa isip ni F.E.A.R ang mga katagang sinabi ni Galaxy na hindi niya makalimutan. Pagka tapos ng mga pangyayari kanina ay unti unting nag babago ang pananaw ni F.E.A.R tungkol sa kanyang kakayanan. Hindi ito umuwi sa kanyang mansion sa isang exclusive subdivision kundi sa isang rest house nito sa isang private island na private property ng dalaga.

" Am I really obviously look weak? "

Bulong nito sa sarili.

Sa sobrang hindi mapakali ay tumayo ito saka pumunta sa kanyang mini bar. Kumuha ito ng alak at saka nag salin sa baso. Tahimik lamang itong umiinom habang nag iisip ng mga maraming bagay na makaka tulong sa kanyang Mafia Organization kahit na sa mata ng iba ay napaka successful na nito.

Sunod sunod ang pag tunggang ginawa nito. Medyo nakakaramdam na ito ng pagka hilo pero tuloy pa rin ang ginagawang pag inom nito. Bigla na lamang pumasok sa isip nito ang mga nangyari kani kanina lamang at rumehistro sa isip nito ang mukha ng kapatid ni France habang umiiyak at naka salampak sa sahig. Maging ang sinabi nito ay tumatak din.

" .....  Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil wala kang minamahal at walang nag mamahal sa iyo!!! "

At ang pinaka masakit sa lahat ay ang...

" Wala kang pamilya kaya hindi mo ako naiintindihan. "

F.E.A.R (The Mafia Queen)Место, где живут истории. Откройте их для себя