F.E.A.R 42: POWERLESS 2.0

2K 40 0
                                    




Gray's POV



21 hours. Kulang na lang nag tatlong oras at isang araw na kaming nandito sa ospital. Hindi pa rin gumigising ang dalawa kahit mababaw lang ang mga tama nila. Pero ang kapatid kong si Red ay may mga ilang buto na nabali sa mukha niya kung saan siya nasuntok ng dambuhalang iyon.



Sabi ng doktor may kailangan silang ayusin pero kailangan magka-malay muna siya. Inaantok na ako. Pagod na rin ako. Hindi ko rin masisisi ang dalawang ito kung ayaw muna nilang gumising, masaya kasi kapag tulog ka lang. Wala kang mararamdaman na kahit na anong sakit. 



Napadako ang nagpupungay kong mga mata sa direksiyon ni Pain. Itong batang 'to, napaka misteryoso. Mukhang hasang hasa ni Queen ah. Kanina pa siya naka dungaw sa telepono niya, at tutok na tutok siya. Sisilipin ko sana kung anong ginagawa nito ng marinig ko sina Andrew at Star.



" Calm down, Love. Alam naman--- "



" Calm down?! How?! Paano kung may nangyayari nang masama kay FEAR? Calm down?! "

Pilit binababaan ni Andrew ang tono ng pananalita niya upang hindi magising ang dalawa.



Maging si Pain ay nakita kong dumako na rin sa dalawa na nagtatalo ngayon. Napayuko si Star Robin at nakita kong guilty ang agad na rumehistro sa mukha ni Andrew. Napahilamos ito saka marahang hinaplos si Robin. Unti unti niya itong nilalapit sa kanya upang yakapin, bumulong siya kaya hindi na namin narinig ang sinabi niya.



" Uy bata, saan ka pupunta? "

Tanong ko kay Pain na nagmamadaling lumabas ng silid.



Huminto siya sandali saka tiningnan kaming lahat.



" Sa tingin ko alam ko na kung nasaan si FEA--Queen. "

Wika niya.



Napatayo ako. Nagsilapitan kaming tatlo sa kanya.



" Nasaan siya? "

Kalamadong tanong ni Andrew.



" Ayon dito sa device ko, nasa isang malayong probinsya siya. Sa tingin ko, mga dalawa at kalahating araw rin ang kailangang lumipas bago makarating sa lugar na ito. "



" Malayo layo rin pala. "

F.E.A.R (The Mafia Queen)Där berättelser lever. Upptäck nu