SEASON 2: F.E.A.R 8

1.4K 34 0
                                    

(Italicized words meaning flashback po yun ha. :) Enjoy!)

Nicole Erin's POV

~at Miranda's Restaurant

" Hahaha! Ikaw talaga, tignan mo yung bibig mo. Ang kalat mo kumain, haha! "
Sabi niya habang pinagtatawanan ako.

Sumimangot lang ako habang naka yuko dahil imbis sabihin ng diretso, pinag tatawanan pa ako. Di kaya ako umattend ng group study namin para lang puntahan siya dito sa paborito naming kainan tapos ganyan pa siya. Nakakatampo!

Akmang kukunin ko ang tissue na naka patong sa ibabaw ng mesa nang... nang... nang... tumayo siya saka niya pinunasan ang nag kalat na foam ng gatas sa bibig ko, pero...gamit ang bibig niya.

Hi...hi...hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako? HINALIKAN NIYA AKO!!!

Hindi ako makagalaw. Hindi ako magalaw!!! Siya naman ay buong pusong ngumiti sa akin saka siya umupo tapos kumain na parang walang nangyari. Unti unti kong inilibot ang paningin ko kahit na naninigas ang leeg ko.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano kami pag bulungan ng mga tao! Huhuhu! Ang walang hiyang 'to! Patay malisya!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong maisatinig ang pag iyak ko. College girl na ako pero kung umiyak ako asal bata pa rin. Nag umpisa akong ngumawa habang nilalamon ng nakakairita kong boses ang buong paligid.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now