F.E.A.R 13: LOOKiNG FOR PAiN

4.2K 92 1
                                    

Star Robin's POV



Napapa irap na lamang ako sa hangin habang pinag mamasdan ang aligaga kong boyfriend. Hindi na bata si Queen. Sobra naman siya mag aalala! Konting konti na lang makakaramdam na ako ng selos. Anyways, ako nga pala si Star Robin, Great Reaper of Mafia F.E.A.R. Ngayon lang ako naka balik dahil may pinagawa sa akin si Queen F.E.A.R na isang importanteng bagay.


Back to Andrew. Sinita ko na siya dahil nahihilo na ako sa pagka aligaga niya at naiinis na rin.


" Love, I'm starting to get dizzy at the same time jealous. "

Pairap kong sabi.


Napa tingin ito sa akin ng naka kunot noo. Inirapan ko naman ito bilang sagot. Pumunta ito sa kinaroroonan ko saka umupo sa tabi ko. Sa ibang direksiyon ko naman binaling ang sarili ko.


" Anong selos pinag sasabi mo dyan? "

Tanong niya.


And for the nth time, napa irap na naman ako. This guy is really so numb -_-


" Uy! "


And slow -_-


" Wala! Malaki na si Queen at kayang kaya niya ang lahat! Kaya wala kang dapat ika aligaga dyan! "

Pasigaw kong sabi.


Tumayo ako at nag umpisa nang mag lakad palayo sa kanya. Nakaka irita talaga ang lalaking iyon. Bubuksan ko na sana ang pinto ng maunahan ako ng isang taong hindi ko inaasahang makita. Simula ng dumating ako ay pinilit kong umiwas upang hindi siya makita. Ayoko lang magkaroon ng banggaan pati na rin ang ilangan.


Umiwas na agad ako ng tingin at lumingon sa kinape pwestuhan ni Andrew na tulala na naman. Tumikhim ako upang maagaw ang atensiyon niya pero parang wala itong narinig kaya nag salita na ako.


" Love, Blue Stewart is here. "

Sabi ko.


" Love... "

Rinig kong bulong ni Blue.


Pero pinigilan kong hindi lumingon sa direksiyon niya. Ipinahalata kong wala akong narinig. Buti naman at natinag si Andrew sa pag tawag ko at agad itong tumayo saka lumapit sa amin. Inakbayan ako nito dahilan upang mabaling ang katawan ko paharap kay Blue na naka tayo pa rin sa pinto ng condo namin. Sinisikap kong hindi tumingin sa kanya kahit alam kong naka tingin siya sa akin.


" Hoy asul! Ano tatayo ka na lang dyan at tititig sa Star ko? "

Parang batang sabi ni Andrew.


Kahit ganon ang pagkaka sabi niya ay nakaradam pa rin ako ng kaba. Hindi agad naka sagot si Blue kaya ako na ang sumalo sa kanya. Nag angat ako ng tingin at kita kong naka titig si Blue kay Andrew hindi, magka titigan sila ngayon.


" Pasok ka, Blue. "

Kalmadonng sabi ko.


Hinawakan ko ang kamay ni Andrew na naka akbay sa akin saka kami tumalikod upang pumunta sa aming mini sala. Ramdam kong naka sunod na rin sa amin si Blue at ramdam ko ring naka titig siya sa amin. Bakit ba siya nandito? Nasan na yung dalawang mag kapatid, himala! Magkaka hiwalay sila ngayon.


F.E.A.R (The Mafia Queen)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz