F.E.A.R 26: MAKE LOVE NOT WAR

2.6K 54 3
                                    

F.E.A.R's POV



Days passed me by, but I can still remember kung paano niya bitawan ang salitang iyon. At ang katanungang iyon, hanggang ngayon hindi ko pa nabubuo sa isipan ko. Wait, dapat nga bang sagutin pa ang tanong na iyon?


Pagkatapos ng gabing iyon at pagdating ng kinaumagahan ay doon na kami nag hiwalay at hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkakaroon ng kahit na anumang komunikasyon.


Oh yeah, about he confessed? I knew. I knew everything about him. He is the son of a legendary hunter and a great mafia reaper. He belongs to his organization. Miguel Blood's organization.


Isang taon ang nakalipas nang bigyan ko ng isang misyon ang isa sa mga tauhan ko. Ipinasok ko siya sa Blood Organization at siya ang nag silbing mata at tainga ko.


Oo, matagal ko ng nahanap ang lokasyon nila Blood. Pero hanggang ngayon ay patuloy ko pa rin siyang ipinapahanap kay Mr. Kim, for what? May gusto lamang akong siguraduhin.


Months ago, I got a call from Manuel (Ang tauhan ni F.E.A.R na ipinadala niya sa Blood Org. para mag masid.). Idinetalye niya ang ginawang pag uusap sa pagitan ni Blood at Onnyx. According to him (Manuel), Blood gave Onnyx a last mission. Pag nagawa ng taong ito ang kahuli hulihan niyang misyon ay maaari na itong tumiwalag sa grupo.


Ano ang misyong iyon?


I don't know. All I know is that, may taong ipinahahanap sa kanya.


Ilang araw pagkatapos kong matanggap ang impormasying iyon ay tila naging isang pa-in rin ni Blood ang pag uusap nilang iyon ni Onnyx upang mahuli ang tauhan ko.


Alam kong nakita niya ang simbolo ng Mafia F.E.A.R sa dibdib ni Manuel but I'm not sure if he still recognised the symbol. Maybe not, dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang ginagawang hakbang laban sa akin.


" Queen, nandito na po tayo. "

Iwinika ng driver na nakaagaw ng atensyon ko.


Nasa AU na pala ako. Sumulyap ako saglit sa labas. Napakunot ko. The surroundings' weird.


Bumaba ako saka naglakad patungo sa building kung saan ang unang klase.


Pahakbang na ako sa hagdan nang makasalubong ko ang dalawang estudyanteng may hawak na dalawang pulang rosas----at ibinigay sa akin.


" Wait. "

I said.


Humarap sila ngunit ngumiti lang sa akin.


Weirdos.


May mga sumunod pang estudyante ang mga nakasalubong ko ang nag bigay rin ng mga pulang rosas. Binilang ko sa isip ko ang mga rosas na hawak ko at nakitang anim ang mga rosas na iyon. I'm so confused.


I woke up late, kaya hindi ako nakapasok. Its 3:30PM in the afternoon and I don't have any plans na pumasok at mag aral. Ichecheck ko lang sana kung pumasok siya. No, no, don't get me wrong. I-I just want to check on him. But I didn't expect na may something weird na ganito. What's with this people?


Papasok na ako sa aming silid aralan ng may biglang tumakip sa mga mata ko. Kung hindi lang siya bumulong, malamang kanina pa siya bumulagta.


" Hi, Fire! Long time no see. Mas lalo kang gumanda gaya ng bebe ko. Hihihi! "

Hagikgik ni Domingo sa akin.


F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now