F.E.A.R 41: POWERLESS

2K 40 0
                                    



Galaxy's POV


Sisipol sipol akong nag lalakad habang patungo sana sa opisina ni FEAR. Dahil maganda ang gising ko ngayon dahil alam niyo na, nabungaran ko ang babaeng mahal ko pagkagising ko. Napaka swerte ko talaga sa Star Robin ko! Gwapo eh, alam niyo naman. *wink*



Mukhang magiging maganda ang araw na ito dahil tahimik ang buong paligid ngayon. Balita ko, wala naman mga banta ang nangyayari sa ngayon. Baka nagpaplano pa lang ang mga unggoy sa pag lusob sa F.E.A.R. Galingan lang nila!



Nang madaanan ko ang training ground sa loob ng headquarters ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa loob nito. Nakita ko ang isang taong tuloy tuloy ang pag baril sa target kahit na sira sira na ito. Si FEAR, anong nangyayari?



Madali akong pumunta doon at pag pasok ko, halos mabingi ako sa mga putok ng baril. Wrong timing yata ang pagpunta ko dito, dapat pala pumayag nalang akong makipag date kay Robin eh. Baka ako pa pagbalingan nito.



Umatras ako saka lalabas na sana nang magsalita siya, anak ng!



" Anong ginagawa mo dito? "

Dinig kong tanong niya.



Humarap ako muli sa kanya ng may pilit na ngiti sa aking labi. Pambihira, na-sense pa rin niyang nandito ako, samantalang parang wala siya sa sarili.



" A-Ako? W-wala naman. Makikibalita lang. "

Sagot ko saka lumapit sa kanya.



Hindi naman niya ako sinagot kaya naupo ako sa may gilid. Lumapit naman siya saka kinuha ang isang bote ng alak sa mesa saka itinungga iyon. Bahagya akong nagulat sa nakita. May problema ba ang babaeng ito?



Doon ko lang napansin ang buong paligid ng aming traing ground. Maraming mga bote ng alak na naka tumba sa sahig maging ang mga ubos na sigarilyo, nagkalat din.



Napa lingon tuloy akong muli sa kanya, sa dami ng bote ng alak dito ni hindi ko man lang napansin na parang lasing na siya, isa pa, hindi madalas manigarilyo si FEAR. Tumikhim ako.



" Ah, may kasama ka ba dito kagabi? I mean, dinala mo ba si Onnyx dito? Huwag mong sabihing sinabi mo na ang lahat sa kanya? "

Sunod sunod kong tanong.



Tahimik lang siya habang naka upo at naka sandal sa isa sa mga upuan dito. Napansin kong napahigpit ang hawak niya sa alak ng bote na nakapatong sa isang hita nya.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now