F.E.A.R 6: ARAGON UNiVERSiTY

4.9K 109 2
                                    

@ F.E.A.R's Mansion 8:00 am



Third's Person's POV






Kumatok ng dalawang beses si Mr. Kim sa pintuan ng silid ni F.E.A.R ngunit walang sumasagot kaya't bumaba ito upang mag bakasakaling nasa hapag na si F.E.A.R at gaya kanina wala siyang F.E.A.R na nakita kaya't tinanong nito ang isa sa mga kasambahay nila.


" Excuse me, have you seen Elle ? "

Mr. Kim asked.

" She's at the gym, Mr. Kim. "

Magalang na sagot nito.


Tumango naman si Mr. Kim at tinungo ang direksiyon patungo sa gym. Nang makarating ito sa gym ay wala itong F.E.A.R na nakitang nag eensayo o ano pa man kaya't pumasok ito sa sikretong pinto papunta sa isang silid kung saan ito nag tatarget shooting. At hindi nga siya nabigo dahil nandoon ang hinahanap niya.


" Elle! "

Tawag niya rito.


Lumingon naman si F.E.A.R na may seryosong mukha habang nag aassemble ng mga baril.


" Yes, Mr. Kim ? "

Sagot ni F.E.A.R


Tumikhim naman si Mr. Kim bago sumagot.


" May kaguluhang nangyayari sa Aragon University. "

Mr. Kim said na siyang ikinalingon ni F.E.A.R


" And? "

Walang buhay na sagot ni F.E.A.R


Kinakabahan namang sumagot si Mr. Kim dahil sa kadahilanang napaka halaga ng unibersidad para kay F.E.A.R. And the fact na silang dalawa lamang ang nasa loob ng silid na iyon at nag aalala itong baka siya ang pag buntunan ng galit ni F.E.A.R dahil alam nitong hindi ito mapipigilan kapag sumiklab ang galit ng dalaga.


" U-uhm. May mga  nag tatangkang sirain ang Aragon University. I just recieved a phone call yesterday at may nakita raw silang nag tanim ng pekeng bomba sa likod ng unibersidad. Sa tingin ko, may nagbabantang sirain ang unibersidad. "

Mahabang paliwanag ni Mr. Kim


Hindi naman agad naka sagot si F.E.A.R na waring may malalim na iniisip. Nabawasan naman ang kabang nararamdaman ni Mr. Kim dahil hindi ito nag wala hindi gaya ng dati.


Ilang minuto bago nag salita si F.E.A.R at nagulat si Mr. Kim sa isinagot na tanong nito.


" What's your plan? "

F.E.A.R asked.


" W-wha--- "

Naputol ang sasabihin sana ni Mr. Kim ng mag salita muli si F.E.A.R


" You should resolve it on your own Mr. Kim. Kaya ikaw ang inatasan kong alagaan ang University dahil alam kong kaya mo itong palakarin ng maayos. So find the best solution to this problem. "

Dagdag ni F.E.A.R


Nabahala naman si Mr. Kim sa sinabi ni F.E.A.R kung kaya't nag lakas loob na itong sabihin ang kanyang naiisip na solusyon at ang iba pa niyang dapat sabihin.


F.E.A.R (The Mafia Queen)Kde žijí příběhy. Začni objevovat