F.E.A.R 40: HiS DOWNFALL

2K 33 3
                                    

1 week later







Domingo's POV





Hindi ko na alam kung saan at kung paano na mag sisimula. Habang naka upo ako sa isa sa mga apat na sulok ng kwartong ito ay maraming sumasagi sa isip ko. Iniisip ko kung anong kalagayan mo...Kung kumain ka na ba o nasa mabuting kalagayan ka ba. Inaamin ko, nakakapagod pero naiisip kong mas nakakapagod mabuhay kapag wala ka. Nasaan ka na ba, Cielo?



Naramdaman ko ang init sa mga mata ko. Hindi ko na kaya...Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko. Hinayaan kong umagos ang mga luha ko. Its been a month. Sa loob ng isang buwan ay wala akong ibang dala dala kung hindi ang kaba sa dibdib ko. Sana mahanap na kita...



Napalingon ako sa pintong mabilis at malakas na kinakatok. Agad kong pinunasan ang luha ko saka tumayo upang buksan ang pinto. Pag bukas ko ay isa sa mga ka-blockmate ko ang nabungaran ko.



" Bakit? "

Malungkot na tanong ko.



" S-si Cielo! "

Bulalas niya.



Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sinabi niya. Agad ko siyang kinwelyuhan at isinandal sa pader.



" Where is she?! "

Nagsusumamong tanong ko.



" Nasa lumang garden nitong school at— "



Hindi ko na nagawang pakinggan ang sinabi niya dahil agad akong kumaripas ng takbo pagkarinig ko kung nasaan siya. Naguguluhan ako pero hindi ko iyon inintindi. Papalapit pa lang ako ay kumpulan na ng mga ibang estudyante ang nakita ko. May naririnig pa nga akong mga iyakan. Anong nangyayari? Bakit?



Sumugod ako sa alon ng mga estudyanteng nag kukumpulan. The last time na nakita ko silang ganito ay may namatay sa loob ng campus and I am praying na hindi ganito ang madadatnan ko sa sitwasyong ito. Nang mapunta ako sa harapan at makapasok sa loob ng lumang garden ay inilibot ko ang paningin ko. Wala akong nakikitang Cielo dito...



Hanggang sa ibinaba ko ang tingin ko at isang tao ang nakita kong nakahandusay sa lupa na walang malay at tanging isang puting kumot na puno ng dugo ang naka saplot sa katawan nito. Napaluhod ako sa harap niya. Itinabing ko ang mga buhok na tumatago sa kanyang mukha. Si Cielo nga ito...pero bakit wala siyang buhay?



" Cielo. " 

Tawag ko sa pangalan niya.



Nang hindi siya sumagot ay tinawag ko ulit ito. But this time, yung malakas at siguradong maririnig na niya.



" Cielo! " 

Hiyaw ko.



Hindi pa rin niya iminumulat ang kanyang mga mata kahit na humiyaw na ako sa kanya. Napatakip ako ng mukha...No! Napahagulgol ako bigla. This can't be! Masyado pang maaga! Please...bring back her life!



" NO!!! "

Sigaw ko.



Dali dali ko siyang binuhat at itinakbo sa sasakyan ko. Napakatanga ko talaga! Kaya ayaw niya akong sagutin kasi ang tanga tanga ko eh. Dapat kanina ko pa siya dinala sa ospital imbis na mag drama ako dun.



" Domingo! "



" Pre, san mo siya dadalhin? "



F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now