F.E.A.R 2: MAFiA F.E.A.R

6.8K 155 4
                                    

Third Person's POV

Wala nang inaksaya pang oras si F.E.A.R. Tinawagan nito ang pilot ng chopper dahil susunod na ito kay Mr. Kim. Sunod nitong tinawagan ay si Mr. Kim.

" ( Ell--- Queen F.E.A.R buti tum--- ) "

" Mr. Kim I'm on my way. Ipatawag silang lahat. I need to talk to them. "

Toooot.toooot.toooot











Bumaba si F.E.A.R sa chopper at agad naman itong sinalubong ni Mr. Kim.

" Queen F.E.A.R something happened and we dont know who's the suspect. "

Mr. Kim

" What happened ? "

" We just received a dead body around 7:30 am. At may naka sulat sa katawan nito. "

" And what is it ? "

" Uhmm... I-I dont know how to say--- "

" Just say it Mr. Kim. I dont have a long patience right now. "

" Pasensya na pero hindi ko kayang sabihin. Tignan mo nalang. "

 

Nilingon ni F.E.A.R si Mr. Kim at bakas sa mukha nito ang pag aalala at pamumutla nito. 

Nakarating na sila sa Head Quarters at lahat ng naroon ay yumuyuko sa tuwing dadaan si F.E.A.R sa harap nila.

Iisa lang ang nasa isip ng mga nasa paligid niya. ' Napaka ganda pero ibang iba ang ugali sa itsura niya. '

Si F.E.A.R ay hindi nag susuot ng anumang takip sa mukha dahil alam nito na loyal ang mga tauhan nito sa kanya. Nag susuot lamang ito ng maskara tuwing lalabas ng bansa upang dumalo sa meeting kasama ang iba't ibang Mafia Organization. Ang sinumang mag lalabas ng litrato nito ay may kaparusahan o mas kilala sa tawag na ' F.E.A.R's Punishment. 'Walang sinumang nakakaalam kung paano pinaparusahan ni F.E.A.R ang tumatraydor sa kanya. Tanging ang mga matataas lang na nasa pwesto ang nakakaalam ng bagay na iyon.

Ang mga tauhan ng Mafia F.E.A.R ay nangakong iaalay ang buhay sa tumatayong Leader nito. Simula pa sa mga ninuno ng mga tauhan nito ang miyembro ng Mafia F.E.A.R kaya hindi lamang si F.E.A.R ang makakalaban kung sino mang tatraydor sa Mafia kundi pati na rin ang kanilang mga magulang.

Lahat ng miyembro ng Mafia F.E.A.R ay may tattoo sa tapat ng kanilang puso na Black Rose symbolizes that they are part of the Mafia.

Ang Mafia F.E.A.R ang kinikilalang 'World's Largest Mafia in the World' kung kaya't maraming Mafia ang nag tutulungan upang mapabagsak ito, pero walang sinuman ang nag tagumpay. Wala ni isang Mafia Organization ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng F.E.A.R. Maski ang mga tauhan nito ay walang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin nito. Nung minsang may nag tanong ang sagot lang ni F.E.A.R ay...

' I'll tell you but... I need  to kill you. "

'Yan lang ang lagi nitong sinasabi sa tuwing may nagtatanong. Kaya't wala ng naglalakas loob na alamin ito.

Pumasok si F.E.A.R at Mr. Kim sa Conference Room at nandoon na ang lahat maliban kay...

" Where's Galaxy ? "

F.E.A.R (The Mafia Queen)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin