F.E.A.R 7: FiRST DAY!

4.9K 93 5
                                    

Third Person's POV



Maagang nagising si F.E.A.R dahil ngayong araw na ito mag sisimula ang lahat. Bumaba ito at lahat ng naka hilerang mga kasamabahay maging ang mga personal body guards nito ay sobrang namangha sa kagandahan ng dalaga na naka suot ng sobrang garang uniporme nito.


Dumiretso ito sa dining table at naka handa na ang almusal nito pero bago ito kumain ay kinuha nito ang telepono nito at may idinial.


 " Mr. Kim today's the day. How are you there? "

Bungad nito sa kabilang linya.


( I'm good. I'm doing well. Goodluck Elle. I hope maging mapayapa ang araw na ito para sa iyo. )

Sabi naman ni Mr. Kim


" Thanks Mr. Kim. I need to hang up. I just check if you're okay. Bye! "

F.E.A.R said then hanged up.


Tahimik itong kumain at tahimik rin itong natapos sa pagkain.


Huminga muna ng malaim ang dalaga bago ito lumabas sa kanyang mansion. Tumingin muna ito sa kalangitan bago pumasok sa kanyang sasakyan.


" This is the beginning of everything. "

She whispered saka sumakay sa sasakyan nito papuntang Aragon University.







-----







After 20 minutes nakarating na rin ito sa kanyang destinasyon. At tahimik silang nakapag park sa parking lot ng uniberssidad. Naiparada na ang sasakyan pero hindi pa rin bumababa si F.E.A.R. Naka tingin lamang ito sa labas kung saan marami rami na ring mga estudyante ang mga nagsi datingin sakay ng iba't ibang mamahaling sasakyan at naka suot na rin ng kanya kanyang uniporme.


Nadako naman ang tingin nito sa isang sasakyan kung saan kabababa lamang ng isang babae na sa unang tingin pa lang ay masasabing nerd ito. Sunod naman na bumaba ang waring mga magulang nito. Isinukbit ng may edad na babae ang bag ng anak sa likod nito at saka humalik sa pisngi ng anak, ganun din ang ginawa ng lalaking may edad. At tuluyan na ngang pumasok ang babaeng nerd sa building nito at nag simula na ring umandar ang kotseng pinanggalingan nito ibig sabihin paalis na ang mga magulang nito.


Ibinaling ni F.E.A.R ang tingin sa ibag direksiyon saka nito pasimpleng pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang mata. At saka ito napatawa ng mapait.


Ilang minuto pa ang pinalipas ni F.E.A.R bago ito tuluyang lumabas ng sasakyan bitbit ang bag nito. Habang nag lalakad ito ay hindi maiwasang hindi ito lingunin at tingnan ng mabuti. Hindi rin maiwasan na mapa nganga ang iba sa taglay nitong kagandahan ngunit si F.E.A.R ay tuloy pa rin sa paglalakad na tila walang tao sa kanyang paligid at walang pakialam sa mundo.


At siyempre hindi mawawala ng mga babaeng hindi gusto na nasasapawan sila kung kaya't pamatay na tingin ang ipinupukol nila kay F.E.A.R ngunit diretso lamang ang tingin ni F.E.A.R at suot ang kanyang poker face look. Cold lamang ang mga mata nito at walang  makikita na kahit ano mang emosyon.


Nakasalubong pa nito si Galaxy na siyempre hindi pa din nawawala ang kanyang infamous smirk. F.E.A.R just rolled her eyes on him. Maging ang mga Heads ay naka salubong rin nito at akmang yuyuko ngunit tiningnan lamang sila ng masama ngunit palihim ni F.E.A.R kung kaya't nag dire diretso na lamang ang mga ito sa paglalakad na animo'y hindi nadaanan ang may ari ng university.


Naagaw ang atensiyon ng mga estudyanteng nag papasikatan ng kani kanilang mga bagong gamit ng may mag salita sa intercom.


" To all Students of Aragon University please proceed to the gymnasium for the orientation. Thank you. "


F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now