F.E.A.R 47: LIFE IS SURREAL

1.9K 34 2
                                    

Sunny Tan's POV

Malapit nang matapos ang lahat. Ilang araw na lang at mag sasanib pwersa na ang Harper at FEAR Organization. Nakakatuwa ang mga nangyayari ngayon. Okay na rin sigurong hindi ko napatay si FEAR, mas natutuwa akong makitang nag dudusa siya sa kamay ng mga Harpers.

Kung nakikita niyo lang sana ang nakikita ng mga mata ko. *chuckles* Ang dating kinatatakutan ngayon, kinakaya kaya na lamang.

Masayang makita siyang walang emosyon at bahid ng mga ngiti sa kanyang labi. Ang sarap niyang pagmasdan.

Nakakatuwa ring ipagmalaki na kabilang na rin ako sa grupo ng mga Harpers. Pagkatapos ng ilang taong pagpapanggap, sa wakas nakalaya na rin ako.

Kasama ko na ngayon ang mga taong totoong kasapi ng organisasyong ito. Sina Khim Alford, Xerxes Bolton, Bry Allen Jacobs, Voltaire at si Ullysses.

Ngayon, inatasan ako ni Gregory na tumungo sa kulungan ng mga talunan. Mukhang may salo salong magaganap mamayang gabi. Inatasan akong pakawalan at bihisan ang mga walang kwentang tauhan ng dalawang talunang grupo. Psh!

Binuksan ng dalawang tauhan ang napaka laking pinto. Tumambad sa akin ang trigger 3 na nasa other side na apat na sulok ng kwartong kinalalagyan nila. Ganun din ang mga tauhan ni FEAR.

Hmmm...Nakakainis! Wala man lang nangyaring patayan? Boring!

" Hi, guys! "
Masayang bati ko sa kanilang lahat.

Sabay sabay silang napa tingin sa akin. At gaya ng inaasahan ko, gulat ang mga mukha nina Zaide Kyo, Skylie at Skylar Meir.

Nginitian ko sila. Pumasok ako sa loob at isa isa silang tinitigan.

" Did you miss me? "
Naka ngiti kong tanong kina Z.

" Psh! Missed you? Yes! Miss na kitang patayin! Akala mo siguro hindi ko nakita ang ginawa mo noong gabing pabagsakin ang Blood Org. Traydor! "
Galit na bulalas ni Skylar.

" So? What now? May magagawa ka ba ha, Skylar? "
Nakipag titigan siya sa akin.

" Hindi mo ako mapapatay sa titig lang. "
Wika ko.

Dumako naman ako sa grupo ni FEAR.

" Hi there! Nice to meet you all. I am Sunny Tan. Magpa salamat kayo kay FEAR later, kung hindi dahil sa kanya, patay na sana kayo. "

Diretso lamang ang mga mukha nila at walang mga emosyon. Hay!

" Dadalhin ko kayo sa isang lugar. Huwag kayong mag alala. May mga taong magbabantay sa inyo, kaya huwag niyo nag subukan gumawa ng kalokohan. Tandaan niyo, isang bala lang diretso so sa ulo niyo...kikitain niyo na si satanas. "

Litanya ko saka lumabas ng may matagumpay na ngiti. Mga talunan!

***

Autumn's POV

" Dad, this is for you. Don't worry, gaganti tayo. "

Pangako ko sa kanya habang naka tingin sa isang portrait niya sa kanyang silid. Nag aayos na ako ng mga gamit niya.

Kailangan maging alisto ako sa mga gagawin ko. Ayokong mag iwan ng kalat o ebidensiya. Kailangan malinis. Kailangan na rin burahin ang mga alaala.

" Ma'am Autumn, nasunog napo namin lahat ng gamit ni ser Miguel. "
Wika ng isa sa mga kasambahay.

Tinanguan ko lamang ito saka na siya umalis. Wala na akong ibang maaasahan kung hindi ang sarili ko.

Mukhang hindi ko pa makumbinsi si Onnyx na tulungan ako. Masyado pa ring nananaig ang pagmamahal niya sa babeng iyon.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora