F.E.A.R 18: MURDER iN THE CAMPUS

3.5K 66 5
                                    

Update again! Sorry po natagalan dahil katatapos lang ng finals at sembreak na. Sorry din po sa update ngayon, medyo ewan. Kasi naman eh! Piniga yung utak sa finals hehe! Pagpasensyahan muna ha? Keep Supporting! Salamat!

xoxo - CruzJeanRose


Third Person's POV


Isang maaliwalas at panibagong araw ang bumungad sa lahat. Ngunit hindi gaya ng lahat ang panibagong araw ay isang ordinaryong araw lamang para sa isang taong ninanais na sana'y hindi na lamang natapos ang kanyang masasayang araw kasama ang kanyang mahal.


Tatlong taong puno ng hinanakit at sama ng loob ang naka tungong naka upo sa sulok ng napaka dilim nitong silid. Wala itong ginawa buong mag damag kung hindi pag laruan ang hawak niyang napaka ganda at napaka talim nitong shuriken. C.A.H ang tatak ng talim nito na nag silbing initials ng mga pangalan nito.


Kung mayroon lamang nakakita sa ginawang pag laslas nito sa sarili niyang pulso ay marahil magugulat ngunit mamamangha dahil ni bahid ng sakit ay hindi kakikitaan sa mala anghel niyang mukha.


Tumayo siya saka pinagmasdan ang bawat kilos ng mga estudyanteng nag aaral sa Aragon University at walang naka saksi sa ngising sumilay sa mapuputlang niyang labi. Nag lakad siya patungo sa isang mesa saka kumuha ng isang puting papel saka iyon sinulatan gamit ang sarili niyang dugo na nag silbing tinta nito.


Kusang tumulo ang mga luha nito at napatakan ang papel na sinusulatan nito. Naluha ang taong iyon hindi dahil sa iniindang laslas nito kundi ang pangungulila sa taong mahal nito at minamahal pa rin hanggang ngayon.


Lalong nag sumiklab ang galit niya habang sinasariwa pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari tatlong taon na ang nakalipas.


" It's payback time F.E.A.R. Get ready.  "


Blue Stewart's POV


" Tol, wala ka bang napansin kay Queen kagabi? "

Bungad na tanong ni Red sa akin pagka pasok nito sa silid namin dito sa F.E.A.R's HQ.


Nangunot noo ako. Pero alam ko sa sarili ko na may kakaiba kay Queen mula pa kagabi, at sigurado akong tungkol iyon sa binanggit na pangalan ni Queen. Mas gusto ko nalang sarilinin hangga't hindi ako nakakasigurado sa mga hinuha ko.


" Wala, bakit? "

Pagmamaang-maangan ko.


Umupo siya sa isang single couch saka dumekwatro. Lumingon siya sa kapatid niyang si Gray na may tama dahil sa nangyari kagabi. Hindi nakaligtas sa mga mata kong mapang usisa kung pano naging biglang seryoso ang pag mumukha nito ni Red. I sa na rin sa mga dahilan ko kung bakit mas gusto kong sarilinin ang mga napupuna ko ay dahil hindi ko alam kung sino ang mga kakampi at kaaway namin rito.


Matagal ko ng kasama ang mag kapatid na ito pero ngayon lamang ako nakaramdam ng nakakaiba sa dalawang ito. Alam ko may itinatago sila sa isa't isa at maging sa akin na pinsan nila.


" About what happened last night, hindi ko makalimutan. "

Sagot niya na may seryosong tono habang matiim pa rin ang pagkakatingin nito kay Gray na nahimbing na natutulog.


Napaisip naman ako sa isinagot nito. Maging ako ay nag tataka rin sa mga nagyari kagabi. Akala ko ay tuluyan na akong maboboring dahil hindi man lang ako pinag pawisan sa mga naganap sa loob ng hotel. Ngunit hindi ko inasahang sa pag exit pala namin mararanasan ang totoong laban.


F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now