F.E.A.R 45: SECRETS UNFOLD

1.7K 37 1
                                    


3rd Person's POV

" FEAR. "
Tawag ng lalaking kadarating lamang.

Ni isa walang kumilos sa miyembro ni FEAR. Lahat sila nakatitig lamang sa lalaking dumating. Halos sumabog ang kalooban ni FEAR sa nasaksihan. Wala siyang ibang iniisip kung hindi ang mapatay si Blue Stewart.

" What the fvck is the meaning of this, bro? Anong ginagawa mo!? Nasisiraan ka na ba ng bait?! "
Buong lakas na sigaw ni Red Veras.

Noong gabing mag tipon ang mga Mafia FEAR bago ang gabing ito na pinagplanuhan nila upang makipag kasundo sa mga Harpers ay nailahad ni FEAR ang ilan sa kanyang mga plano.

Kabilang doon ang kinaroroonan ni Ullysses. Inilahad ni FEAR sa buong miyembro nito ang kahalagahan at partisipasyon ni Ullysses Harper sa magiging kahihinatnan ng kanilang plano.

At marahil, ang detalyeng ito ang nag dulot ng sigalot kay FEAR dahil ngayon, nasa harap niya ang taong magbibigay sana ng tagumpay sa kanyang grupo ngunit tila sa isang iglap, nawala lahat ng iyon.

Napakuyom ito ng kamao. Ngunit hindi pa rin tinatanggap ang pagkatalo. Alam niyang sarili nito ay handa sila sa gabing ito, gaano pa karami ang humadlang upang pabagsakin ang grupo nito.

Pilit itong ngumiti na tila ba hindi siya nabawian sa mga nangyari.

" What a surprise! Long time no see, Ullysses! "
Bati niya sa bagong salta.

Naka titig lamang si Ullysses sa kanya. Na para bang wala itong balak sabihin o gantihan man lang ang sinabi ng babaeng pinapangarap niya. Isang kaisipan lamag ang pumasok sa isip niya, makapag usap ang kabilang grupo saka bawiin si FEAR. Kaya siya ang kusang nag gayak sa ama at sa babaeng mahal niya.

" I think we are all wasting our time to stare at each other. Why don't we start this emergency meeting so that, we can resolve problems between our groups. "
Paanyaya nito saka uupo na sana.

Ngunit agad siyang hinawakan ng mahigpit ng kanyang ama sa kanyang kanang balikat. Nakaramdam ito ng sakit at bahagyang napa ngiwi.

" Tama na ang lokohang ito. Simulan na natin ang laban! "
Hiyaw ni Gregory Harper.

At dumating ang hudyat saka nag tutukan ng baril ang lahat.

Nakatutok ang mga baril nina Galaxy at Gray sa dalawang taong nakamaskara sa likuran ni Gregory Harper. Tinutukan naman ni Red si Ullyses Harper at si Star Robin naman ay buong tapang na itinutok ang baril kay Blue Stewart.

" Hindi ko akalaing aabot tayo sa ganito. "
Marahan, mahina ngunit may diin sa bawat salita.

Wala namang ginawang kilos si Blue bagkus ay tumitig lang.

Samantalang si FEAR ay hindi kumilos sa kanyang kinatatayuan. Tila ba kalmado pa rin ito habang nagka tutukan na ang iba niyang mga grupo sa kabilang grupo.

Inihagis niya ang isang sobre na may lamang mga papeles. Nakapaloob doon ang kasunduan na hindi na muling gagambalain pa ng mga Harpers ang grupo nina FEAR.

Iniabot naman ito ng nakatatandang Harper saka binasa. Bigla na lamang itong humalakhak saka unti unting pinunit sa maliliit na piraso ang mga papel.

" Kampante ka ba talaga, huh, FEAR? "
Pang uuyam ng ama ni Ullysess rito.

Hindi naman sumagot si FEAR at parang wala talaga itong balak sumagot.

" Come on, Fiarra Ellene Aragon Robertson. Kung ako sa'yo sumuko--- "

" SHUT UP!!! You fvcking dirty man!!!! "
Nanggagalaiting sigaw ni FEAR.

Saka nito itinaas ang kamay na may baril at nakatutok sa nakatatandang Harper. Maya maya ay binaril niya ng mabilis ang dalawang taong nakamaskara sa likuran nito.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now