SEASON 2: F.E.A.R 6

1.8K 32 0
                                    

Note: I changed Croatia into Arkazea (imbento). Para safe tayo hehehe! Huwag malilito okay? Ang Arkazea ay bansang imbento ko. Salamat po!

*****

Star Robin's POV

It's 12 midnight already. Dahan dahan akong tumayo sa aking pagkakahiga habang hindi inaalis ang mga mata ko sa sofa na tinutulugan ni Bry. Isang kwarto lang naman ang ibinigay na parte sa amin dito sa tagong lugar ng mga low class criminals.

Maingat kong hinila ang bag na inihanda ko sa ilalim ng hinihigaan kong lumang kama. Wala itong gaanong laman kung hindi ang isang leather jacket na isusuot ko ngayong gabi at isang itim na bonet.

Isinukbit ko ang bag sa aking likuran at dahan dahang humahakbang papalabas ng aming kwarto. Nadaanan ko pa ang mahimbing na natutulog na si Bry. Saglit akong huminto. Sorry, I have to do this.

Pagka labas ko, isang makitid at madilim na iskinita ang tinahak ko papunta sa destinasyon ko. Inaamin kong puno ng kaba ang dibdib ko dahil sa gagawin ko pero sa tuwing iisipin ko kung bakit ko ito ginagawa, nawawala pansamantala ang mga takot na nararamdaman ko.

Parang isang buong napaka laking compound ang kinaroroonan namin ni Jacobs. Ito ang pugad ng mga kriminal sa bansang ito at mula din sa iba't ibang bansa. Halo halo ang mga lahi na narito, may kanya kanyang grupo ang bawat lider na bumuo ng lugar na ito.

Walang pakialamanan sa mga gawain, pero lahat obligado na protektahan ang bawat isang kasapi at nainirahan dito. Sa totoo lang, minsan naiisip ko kung paano nila nagawa at nakuha ang ganito kalaking pwesto.

May mga iilan na nag kalat pa rin sa labas kahit gabing gabi na. Wala akong takot na mapansin nila dahil alam kong iisipin nila na may tatrabauhin lang ako. Isa pa, suot suot ko ang isang bonet, salamat sa dilim, alam kong hindi nila ako makikilala.

Mas naging maingat ako dahil alam kong malapit na ako sa pupuntahan ko. Ilang minuto na akong nag lalakad pero hindi ako nakakaramdam ng pagod. Takot, oo.

Habang papalapit ako, pakonti ng pakonti ang mga taong nakikita ko. Ang parteng ito ng buong Secret Paradise (Pangalan ng compound) ay nasa dulo mismo. Dead end na ito, kumbaga.

Inilabas ko ang spare key na nakuha ko mula sa isang nag babantay dito, dahan dahan kong binuksan ang kandadong pinto. Ilang segundo ang lumipas at nagtagumpay ako.

Inilabas ko ang isang maliit na flashlight upang bigyan ako ng liwanag sa madilim na kwartong ito. Bumungad sa akin ang isang silid na punong puno ng iba't ibang klaseng mga armas at ammunitions.

Napangiti ako.

Ilang araw na akong nag iisip mg plano kung paano ako makakatakas sa lugar na ito. At ito ang una kong naisip. Kailangan may panlaban ako kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa plano ko.

Dahan dahan kong kinuha ang isang hand gun. Nice. Ngayon lang ulit ako naka hawak ng isang baril. Ang sarap sa pakiramdam. Kung sakaling mabulilyaso ang gagawin ko at mapatay man ako, sisiguraduhin kong mamamatay akong lumalaban.

Dali dali kong isinilid sa bag na dala ko ang iba't ibang klaseng mga baril. Kumuha rin ako ng ilang mga improvised na bomba at flash bang. Sapat na siguro ang mga ito. Lumabas ako saka isinara ang pinto.

Huminga ako ng malalim bago ko tinahak ang makitid at madilim na daan pabalik. Dumoble ang takot na nararamdaman ko ngayon. Maaaring may nakakita o makakita sa akin habang papabalik ako.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now