SEASON 2: F.E.A.R 11

1.3K 33 3
                                    

Scott's POV

" Hello, Venice?...Hindi na muna ako susunod dyan, okay?...Susundan ko si Unique...You know the history...Okay, okay. I love you, bye. "

After I hanged up the call, I immediately went to my car and start the engine. Malamang papunta sa likod ng secret paradise ang mokong na iyon. 20 minutes, nandoon na ako.

After 20 minutes.

Ipinarada ko ang sasakyan sa may tagong parking lot ng secret paradise na para lang sa mga big bosses. Lumakad pa ako bago makarating sa mismong likod o dead end ng sikretong paraiso. Mag aalas dose na ng gabi, lalong mas nag liwanag ang bilog na buwan.

Pag lampas ko sa mga puno na tila kagubatan na nga dahil sa dami ng mga naglalakihang puno at halaman, bumungad sa akin ang tahimik na nagpapahingang mga alon. Ito ang sikreto ng sikretong paraiso. Ang kaisa isang hidden island na matatagpuan lamang sa Arkazea.

Sa umaga ay mas nakamamangha ang ganda nito. Puting puti at pinong pino ang buhangin nito at malinis ang kulay asul nitong tubig. Nakahuhumaling talaga ang ganda ng lugar na 'to.

Pero may isang importanteng silbi ang sikretong isla na ito. Dito nakikipag tagpo sina Unique at Queen FEAR at iba pa sa big boss ng secret paradise upang makipag transaksyon. At iyong liwanag na maaaninag sa gitna ng dagat ay isang malaking barko, iyon ang nag sisilbing gwardya para sa mga intruders na gustong lusubin ang sikretong paraiso.

" AAAAHHH!!! THIS CAN'T BE HAPPENING RIGHT NOW!!! NGAYON PA?! WHEN EVERYTHING IS PERFECTLY FINE!!! BULLSHIT!!! "

Sobrang nabigla ang sistema ko sa biglaang pag sigaw na ginawa ni Unique. Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya, at nadatnan ko siyang nakaluhod at naka tiklop ang mga kamao na nakasayad sa mga puting buhangin.

" Bro, anong problema? May nangyari bang masama? "
Tanong ko sa kanya habang nakahawak ako sa balikat niya.

Marahas siyang kumawala sa pagkaka dikit ng kamay ko sa balikat niya. Tumayo siya saka ako tinitigan na tila ba nagpipigil siyang makapanakit. Ilang segundo ang pinatagal niya bago siya magbawi at lumingon sa ibang direksiyon. Nakaharap siya ngayon sa dagat na unti unti'y naririnig ko na ang mga alon dahil sa paglakas ng hangin.

Nakikita kong pinapakalma niya ang kanyang sarili. Ano na naman kaya ang nangyari? Eksaktong oras at sitwasyon ang naaalala ko sa eksenang ito. Ilang taon na ang nakalilipas noong maranasan ni Unique ang kanyang "first heartbreak" ika nga nila.

At sinasabi ko sa inyo, napaka lalim kung mag mahal ng taong ito. Para siyang nawawala sa sarili at unti unting umiikot ang mundo niya para sa ibang tao. Si Harley, ang kaisa isang babaeng nakapagpa iyak at sumira sa buong pagkatao ni Unique.

Itong lugar na ito kung nasaan kami? Dito tinangkang magpakamatay ni Unique. Sinubukan niyang ilunod ang sarili niya pero naging maagap ang ama niya, at ayun. Nasagip siya. Masyadong mahal ni Mr. Oxford ang kanyang successor dahil si Unique ang kaisa isang alaala na iniwan ng kanyang asawa niya. Kaya hindi ganun ganun lang pwedeng mawala si Unique.

Minsan nga naiisip ko, parang ipinain ni Mr. Oxford si Queen FEAR para kay Unique. Dahil ang natatandaan ko, kinabukasan inilahad na sa amin ni Mr. Oxford ang pagbabantay kay Queen FEAR. Masyadong interesting ang buhay ni Queen noong marinig namin ang kwento ng buhay niya mula kay Mr. Oxford, simula nun, naging maayos at bumalik na ang dating Unique.

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now