“Um, Will!” Tawag ko sa kanya.

He looked at me. “Um, wala akong gagamiting sapatos?” Nag-init ang pisngi ko.

“Oh,” He smacked at his forehead as if he remembered something. “Kung may kakatok, pagbuksan mo. Nagpabili ulit ako ng sapatos kay Kim,” Aniya na tinutukoy iyong assistant niya. “May kailangan ka pa?” He wiggled his brows.

I shook my head, embarrassed. “Wala na.” Kinagat ko ang aking labi.

“Okay,”

Pumunta na ulit siya sa kanyang silid. Bumuntong-hininga naman ako dahil sa kawalan ng sasabihin. Hindi ko inilibot ang paningin ko dahil iyong painting ng mga hubad ng babae ang makikita. Para akong tinatayuan ng balahibo kapag nagagawi ang tingin ko do’n. Naiisip ko tuloy kung anong klaseng tao ba itong kasama ko at bakit komportable ako kapag kasama siya?

Tumayo ako nang may kumatok sa pinto. Katulad nga ng kanyang sinabi ay pinagbuksan ko iyon. Nalaglag ang panga ko dahil sa nakita kong babae. She’s utterly beautiful! Nakaladlad ang kanyang mahabang buhok sa kanyang balikat, mukhang mataray ang dating ng kanyang itsura pero iyon ang nagpapatingkad sa kanyang kagandahan. Pulang-pula ang kanyang labi dahil sa lipstick, iyong pisngi niya ay tadtad ng blush-on. She’s wearing black fitted dress—hindi siya mukhang sekretarya sa kanyang damit—red pumps. Her Louis Vitton bag was clad along he shoulders. On her hand was two paper bags.

“Hi?” Bati ko sa kanya, niluluwangan ang pinto.

Umirap muna siya sa akin bago pumasok. Sinarado ko ang pintuan at sumunod sa kanya. Nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang mga paintings. Ngumisi siya.

“I bet you haven’t laid your eyes on those paintings yet, am I right?” Tumingin ulit siya sa akin.

“Oo. Wala namang masama do’n, ‘di ba?” nginitian ko siya pero inirapan lang niya ako. I rolled my eyes. Binabawi ko na ang papuri ko sa kanya kanina.

“Sit there, lady,” She said as she pointed out the couch, “Kumuha ako ng dalawang size ng sapatos. Baka kasi hindi magkasya sa ‘yo ang size 8 na sinabi ni Will. I know him, mali-mali ang sukat niya sa ibang bagay,” She grinned again like what she said has double meaning. I just shook my head and sat on the couch in which she points a while ago.

Umupo din siya sa tabi kong couch. Inilabas niya ang kulay pulang box sa paper bag. Binuksan niya ang kahon at lumabas doon ang itim na closed-shoes. Four inches iyon kung hindi ako nagkakamali.

“Here, fit this,” Inilahad niya sa akin iyon at tinanggap ko naman. “I’m Kimberly Tuazon, 29, John Willard’s three-year all-in assistant.” Biglaan niyang pagpapakilala sa kanyang sarili. “Ikaw, sino ka?”

“Athena Grace Quijano, 25. Ngayon pa lang kami nagkakilala, e.” Sabi ko.

“So, it fits!” Hiyaw niya nang maisuot ko ang sapatos. “Try mo ulit ‘to. Parang bagay ang kulay nito sa dress mo,” Humagikgik na naman siya at biglang nawala ang mataray na imahe sa kanyang mukha. Isinukat ko ulit ang kulay dilaw na pumps. Mas mataas ang takong nito pero mas bumagay nga sa suot ko. “So, flavour of the day ka pa lang?”

Umiling ako. “Hindi. Alam niya kung ano ang pinagdadaanan ko. He’s just comforting me and I’m allowing him,” Sabi ko.

Nginisihan lang niya ako. Iyong ngising may alam siyang hindi ko alam. Umiling na lang ako. “So, ano’ng choice mong isuot? The black one or that?” She points her lip on my foot, kung saan nakasuot na iyong yellow na sapatos.

“Ito na lang,” Sabi ko at iginalaw ang paa ko.

“Okay,” She shrugs, “Next is makeover,” Tumayo siya at may kinalkal sa kanyang bag. Inilabas niya doon iyong may logo na LV na makeup kit. Lumapit siya sa akin. “Do’n na lang tayo sa kusina. Masyado akong matangkad sa couch.” Hinila niya ang kamay ko papuntang kusina. Pinaupo niya ako sa high chair. “Naintimidate ka ba sa akin kanina? ‘Yung totoo, ha?” Tanong niya.

“Medyo lang naman,” Pag-amin ko,

Bumungisngis siya, “Akala ko kasi you’re just the other girls lang na binabahay ni kuya kaya ganu’n ang intro ko sa ‘yo. Pero mukha kang inosente ka—“

“Kuya?”

“Patay!” Ngumiti siya ng pilit sa akin at itinigil ang paglagay ng mascara sa mata ko. “Buking na ‘ko. Um, anyway, oo. He’s my brother kaso nagtatrabaho ako sa kanya. Utos kasi ni mommy iyon sa akin. Hay naku! Pinagtiyatiyagaan ko nga lang ‘yan—“

“Kimberly,”

Napatigil si Kim sa pagsasalita nang marinig ang boses ni Will. Lilingon sana ako para tignan si Will pero hinawakan ni Kim ang mukha ko at ipinaharap sa kanya.

“Wa’g kang lilingon, nakakamatay.” Humalakhak siya sa sarili niyang biro. Ayaw ko man ngumiti ay napangiti din ako. Ang ganda niya kapag tumatawa siya. Lumalabas ang mala-anghel niyang mukha. Gone was the grumpy face I saw a while ago. “Joke lang. Wa’g kang malikot, nag-eenjoy akong lagyan ng mascara ang pilikmata mong mahaba. At ikaw naman, Sir, doon ka muna. You’re not allowed to see my product when it’s not finish yet. ‘Di pa available sa market,” humagikgik na naman siya.

Narinig ko ang pag-tikhim ni Will sa likod ko, “Wa’g mo siyang gawing clown, Kim. I want her to be natural,”

Umirap si Kim at tinigilan ang paglagay ng mascara sa aking pilikmata. “Wa’g kang pipikit, Grac—Athena Grace,” Sunod niyang pinahidan ng lipstick ang aking labi. “Powder lang, okay na sa pisngi mo. Natural ang pagka-pink, e.”

Pinatayo niya ako at pinaharap kay Will pagkatapos. Nalaglag ang panga ko dahil sa kagwapuhan ni Will. He’s just wearing black v-neck shirt with dogtag, classic jeans and Nike shoes and yet he’s oozing with sex appeal. Umangat ang gilid ng kanyang labi nang mapansin ang paninitig ko sa kanya. Ginulo niya ang kanyang buhok.

“Kung mahaba lang sana itong buhok mo ay kukulutin ko kaso, maiksi. Hmm, bumagay naman kaya okay lang. Ang ganda mo pa din, Athena!” Tili ni Kimberly.

“Let’s go, Athena Grace.” Sabi ni Will at hinatak na ako palayo kay Kim. “Lock the door when you leave, Kimberly!” Pahabol niyang sigaw sa kanyang kapatid.

“Yes, sir! You rock!” Pabalik na sigaw naman ni Kim at humalakhak.

Nang makasakay kami sa elevator ni Will ay binitawan niya ang aking kamay. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking pisngi. Tumayo ang aking balahibo sa kanyang ginawa.

“My only rule for tonight, Athena Grace.” He started, eyes on my lips. “Think of me and never think of your boyfriend who...passed away. Condolence, anyway,”

I rattled when he give my cheeks a wet kiss.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now