:FIRST LOVE 57

57 7 1
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

57

Nicky

TUMANGO ako nang tila may sinasabi si Carli. "Ano?" Umingos ang bakla at iniyapos lalo ang mga braso sa beywang ko at ang akin naman sa leeg niya.

Pagkatapos ng iyakan at kainan ay nagpalit ang tugtog,instrumental balse. Doon ay hinatak ako ni Carlito para isayaw sa gitna. Sumunod naman agad sina Kuya Gib at Ate Alice kaya nawala na ang hiya ko. Then Mama pulled Papa. At ang apple of the eye ng lahat ay ang anak kong si Eli na pinarehas ng Kuya Ajie niya. At ang mga bagets ay nagkakahiyaang naiwan sa mesa nila. Nakatingin sila sa amin kasama ang mga naroong crew at staff ng caterer. Naroon din ang kuntsabang driver at ilan sa mga kasambahay. Naroon lahat maliban sa isa.

"Sabi ko malungkot ka,you're expecting him." Bulong ni Carli.

Pinatulis ko na lamang ang nguso ko sa kawalan ng masasabi at yumuko sa dibdib niya. Anuman ang dahilan naiintindihan ko. Binati naman ako kaninang umaga. Siya pa nga ang unang-una. Around four. Ibig sabihin lang non ako agad ang una niyang naisip paggising niya. At iyon pa lang sapat na para kiligin ako.

"Sabi ng anak mo ayaw daw ipasama ng Lolo niya. Yang si Papilou villain talaga ang peg sa lovestory na 'to."

Tumawa ako. "It's his prerogative,baks."

"Bitter pa rin ba si Papilou?"

"Yeah." Malungkot na sagot ko.

"Seryoso na naman sayo si Tim. Nararamdaman ko,baks."

Matamis akong ngumiti.

"Ang ganda nitong party mo ha? Simple but intimate. Bet ko ang concept ng anak mo. Yung isang malaking portrait don iuuwi ko ang ganda ko don eh." Lumayo ako sa kanya para makita ang itinuturo niya. The one hanging in the furthest corner of the memory lane. Iyong graduation ni Dean sa elementary kung kailan parehong batang-bata pa kami. Mga wala pa gaanong wringkles. Mula doon ay muling naglibot ang tingin ko.

Parang photo exhibit ang nangyari dahil ang apat na sulok ng function hall ay napuno ng mga malalaking larawan ko mula sa iba't ibang panahon sa buhay ko. They were hanged on the vines,pinned on the make-shift walls and put on the easels. And my most favorite are the ones suspended above us,they are set of photos that celebrates the best part of my life,my motherhood. They are suspended flat so you could see all of them.They're me and my children when they were still a baby. Noong mag-i-isang linggo pa lamang si Dean at natutulog sa mga braso ko. Napakabata ko sa kuhang iyon na naalala ko ay kuha ni Kuya Gibson. I was the happiest youngest mom that time.

"O,iiyak ka na naman. Wala ka ng mata." Natampal ko sa braso ang bakla bago ako natatawang nagpahid ng luha at yumakap sa kanya.

Nang magpalit ang tugtog ng isang techno,humihiyaw na ang bakla sa tuwa at umindak. Sumabay ako at nakipag-indakan kina Kuya at Alice. Sina Mama at Papa ay iiling na bumalik na sa mesa nila. Tumayo naman ang mga kasama namin sa bahay at sinamahan kami. Kinuha ko naman si Eli at isinayaw-sayaw. Maya pa ay kasama na namin sina Wil at Bianca. Nang hanapin ko si Dean ay lumabas daw at may kausap sa cellphone. Nagpalit pa ang tugtog nang maramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko at pinipihit ako.

"Mommy,you have to go." Ani Dean nang lingunin ko. May determinasyon sa mukha niya.

"Bakit? May nangyari ba?" Pagtataka ko lalo na at mukhang katatapos lamang niya umiyak. Halos gaya ko ay wala na rin siyang mata sa kaiiyak.

"Basta." Sabi lang niya at hinahatak na ako.

"Sandali,ang kapatid mo. Di pa tapos ang party ko."

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon