:FIRST LOVE 33

56 6 2
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

32


Dean

WHEN Wil learned about what happened he didn't stop bugging me until I said yes to his request. Samahan ko raw siya kina Chesca. He wanted to see her,and it will be awkward if he goes alone.

"You're schoolmates and you said you're friends,what's awkward?" I said, annoyed. Hindi lang naman siya ang feeling awkward dahil ako rin. Pagkatapos ng mga sinabi ni Coach kay Mom,pakiramdam ko nag-iba ang tingin ko kay Coach. People get angry;people get hurt. I was hurt,something inside me changed because that's how it is.

Wil's on the line. "Come on,Dean. I'm already coming over to fetch you. We're cousins,you love me."

That was more awkward. Katatapos lang ng drill ng team at naglalakad na ako papunta sa labas ng university para doon siya hintayin.

I texted Mom,after I texted the driver,that I'll be coming home late and that I'll be with Wil to see Chesca after my classes. K was her decent reply.

The drill ended late at ako pa ang naglinis ng mga bola kaya pagod talaga ako at naiwang mag-isa. And Wil's brattiness gets in me.

"Goodnight po." Bati ko sa guard sa gate na palagi akong napapansin dahil ang seryoso ko raw.

"Ingat ka." Sabi niya as I passed him.

The night is getting empty.

As I walked on the covered walk I felt someone's following me. Habang papalayo ako ay pakonti ng pakonti ang mga tao sa paligid. Making me feel more alone and unsecured.

Tumigil ako sa may ilaw para tawagan si Wil at the same time ay tignan at pakiramdaman ang paligid. Wala naman.

"Malapit na kami." Sagot agad ni Wil.

Napansin kong may tumigil na pulang kotse sa di kalayuan. Naghintay ako na bumaba ang sakay non dahil nga tumigil pero wala. Namatay lang ang headlights,tatambay lang yata. I can't see inside.

"Kanina mo pa sinasabi na malapit na kayo. Where are you exactly? I'm getting hungry." Reklamo ko kay Wil. Tumalikod ako dahil bumukas ang pinto sa passenger's seat ng kotse at may bumababang naka-black hood.

I remember the tragic stories on this part of the campus. Mga estudyante na napagti-tripan ng mga tambay.

"Nandito na nga o." Pagkarinig ko non ay nalingunan ko ang paparating na sasakyan nila Wil coming from the opposite direction of the road.

Glad,ibinaba ko na ang cellphone ko nang huminto sa tapat ko ang sasakyan. Masaya siyang bumaba mula sa passenger's seat at lumapit sa akin. When suddenly his smile faded and his eyes widened like he saw something horrible.

"DEAN!" May itinuturo siya sa likuran ko.

Una kong nakita ang mukha sa ilalim ng itim na hood na yon kasunod ang pang-angat ng kamay. I looked up to see and a knife was about to descend on me.

I knew already that it was too late when I closed my eyes,ready to be struck,but something,no someone hovered on me. Next thing, I felt him stiffened and painfully groaned on my shoulder.

Para akong tinamaan ng kidlat nang makita ko si Wil at maintindihan kaagad ang nangyari.

It is probably the intensity of it. Ang sukdulan ng kaya nilang gawin sa akin at ang sukdulan naman ng galit ko sa kanila.

Gusto kong sundan,habulin si Tony nang sandaling yon but Wil was bleeding to death that I set aside myself.

I was crying inside the car,the driver drove us to the nearest hospital.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now