:FIRST LOVE 12

41 4 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

Due to technical error I can no longer use my first account.

But you can still read the prequel of this story titled Me,My Mom & Her Bestfriend,at my original account Robin_Blue.

Thank you.

--------------------

12

KUMAPIT nang maigi si Eli sa Mommy niya nang maramdaman niyang ibababa siya nito sa sahig.

Pumalag siya at itinago ang mukha rito para sabihing ayaw niyang bumaba.

"Saglit lang naman,baby." Naiinis na pakiusap ni Nicky sa anak. Bigong maibaba ito para mabasa ng mabuti ang nakakanerbyos na message ng ama nito sa kanya sa Messenger.

Kalong si Eli ay pinaghirapan niyang mag-scroll sa screen gamit lamang ang isang kamay.

May kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya nang mabasa ang sunud-sunod na mga mensahe at mga larawang ni-send ni Theo sa kanya.

Tim:
Napakahirap mong kausap. Ginawa mo pa kong tanga!

Tim:
At sino yang nakaakbay sayo? Di ka na nahiyang pumatol sa iba.

Tim:

Tangna,Nicky

Tim:
Ginagago niyo ko

Sa dulo ay ang mga in-attach nitong larawan na ngayon lamang niya nakita.

Mga screenshots ng Facebook wall ni Dean kung saan naka-tag ang mga larawan nila sa La Union mula sa iba't ibang account ng pinsan nito. At isa don ay ang group picture nila kung saan ilang sandali rin siyang nagtiis sa paakbay-akbay ni Jayson sa kanya.

"Sandali lang,Eli." Ngitngit na saway niya sa anak nang akmang aagawin ang cellphone niya.

Ang malakas na kaba niya ay unti-unying napalitan ng kabog ng galit. Her chest was in deep rise and fall. Hindi niya gusto ang nangyayari. Siya pa ngayon ang napapasama ngayon?

At 'tangna'?

Ngitngit na ni-replyan niya ito pero unang letra pa lamang ay dumulas sa kamay niya ang cellphone at malakas na bumagsak sa sahig.

Napapadyak siya sa matinding pagkainis at napakuyumos ng kanyang buhok. Sumabay pa si Eli na ngayon naman ay nagpumilit bumaba. Kukunin ang nalaglag na cellphone niya.

Ibinaba niya ito at inunahan sa pagdampot.

"Ma!" Protesta nito.

"Later,Eli,okay? Later." Ulit niya.

"Mama!"

Nicky trimmed her lips so not to carelessly nag at her daughter.

"Mamaya,anak,ha?" Paglulumanay ng boses niya.

At naawa naman sa kanya at pinalagpas ang pagkakataong iyon. Bumalik na lamang muna ito sa paglalaro ng barbie saka siya lumabas ng kwarto at isinarado ang pinto.

Alam niya ay nasa ibaba si Dean kanina. Naghuhugas ito ng pinagkainan nila sa tanghalian. Pero pababa pa lamang siya ng hagdan nang marinig niya itong may kausap.

And more to her dismay it's that Jayson boy again.

Kumulo agad ang dugo niyang nagpabuntong-hininga habang bumababa.

"Dean." Tawag niya sa anak na nakaharang sa pintuan.

Tumigil ito at lumingon sa kanya dahilan para magkita rin sila ni Jayson.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now