:FIRST LOVE 15

48 7 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

Due to technical error I can no longer use my first account.

But you can still read the prequel of this story titled Me,My Mom & Her Bestfriend at my original account Robin_Blue.

Thank you.
--------------------

15


TULIRONG lumayo si Nicky mula sa ATM machine.

"Miss,resibo." Habol ng sumunod sa pila sa kanya.

Nalilito siyang lumingon at nang makita ang inaabot na resibo ay noon siya natauhan.

Pagkaabot ay tumungo na siya sa sasakyan at marahang nagmaneho habang iniisip kung ano na nga ba ang nangyari kay Timotheo.

Wala pa rin itong komunikasyon sa kanila,kumpirmasyon lamang ang hindi nito pagpapadala ng pera. Pera na siya ring ginagamit para sa pagpapagawa nung bahay at hulog sa sasakyan.

Alas-dose nang pumarada siya sa tapat ng ginagawang bahay at nakita niyang namamahinga na ang mga manggagawa. Nakita rin agad niya ang contractor at foreman na nag-uusap sa lilim ng punong-kahoy.

Bumati ang mga ito nang bumati siya bago tinawag sa loob ng bahay ang contractor.

Nahihiya siyang humingi ng dispensa sa inhinyero na naroon para sa buwanang kita ng grupo nito. Ngayon lamang iyon nangyari pero mukhang tagilid ang pagtanggap nito.

"Hindi pa nagpapadala ang asawa ko,engineer. Baka next week pa siguro." Pagsisinungaling niya dahil wala rin naman siyang ideya kung kailan muling magpaparamdam si Theo.

Ngumisi ito ng alanganin. "Titignan ko Madam. Inaasahan ko rin sana ngayon ang ibibigay mo para sa sahod nila." Anito na ikinalumo niya.

Pagsulyap niya sa labas ay kita niya ang pagkahapo ng mga tao nito. Naawa siya.

Kunsabagay ay pintura at kisame na lang ang kulang at pwede naman na sa susunod na lang gagawin.

Nang mapapayag niya ang engineer sa pasensya niya ay agad na rin siyang umalis.

Hindi pwedeng galawin ang savings niya dahil para kay Dean at Eli yon. May iba siyang pwedeng gamitin pero kukulangin para sa bahay at sasakyan. Dagdag pa ang ibang gastos sa bahay na siyang mas mahalaga. Kaya wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang umutang.

Pumarada siya sa tapat ng condo building kung nasaan ang kaibigan at dating katrabaho niyang si Carlito.

Tinext niya kanina ang bakla at naroon nga ito ngayon sa condo unit nito.

Nang mapagbuksan siya ay ang masangsang na amoy alak at sigarilyo sa loob ang bumungad sa kanya. Sinita niya ito na bagong gising at mugto angvmga mata.

"Pinalayas ko na si Greg." Iyak na sumbong nito sa kanya.

Ang inis niya rito ay sumingaw sa labas ng bintana at napalitan ng awa.

"Di bale,di ko naman ikamamatay ang gagong yon. Magkano kamo ang hihiramin mo? Donya ka na pero ba't nangungutang ka ng bruhilda ka." Anito na tumupok sa apog niya at nahiya rito.

"Mamaya na. Dito muna ako." Aniya sabay yakap dito.

"Oy,ano ka." Ani Carlito na nag-alangan nung uba pero nang higpitan niya ang kanyang yakap ay nag-drama na.

At ang sandaling oras na balak niyang ilagi sana doon ay umabot ng gabi. At hindi lamang ito ang naglabas ng sama ng loob dahil maging siya ay hindi napigilan ang sariling magkwento dahil sa tama na rin ng alak.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now