:FIRST LOVE 41

61 7 2
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

41

Nicky


I watched Papa took the plate of rice, Ellie was helping her grandfather. Magkatabi sila ng upuan at nakatayo ang anak ko sa upuan niya habang nakahawak sa likod non si Papa to keep her still.

Naalala ko ang confrontation namin ng nakaraan. Papa made me realized many things. He made me realized that he is taking care of my family. Hindi ang kabaligtaran ng iniisip ko. And I'm damn glad. Wala na pala akong problema,and I am so grateful. So grateful that I wanted to return the favor. Ang hindi siya bigyan ng problema at alalahanin ay unang-una na don. Masaya na ako ngayon,kami at ayoko ng guluhin pa yon.

"Dean,gusto mo bang sumama sa akin mag-golf?"

We all waited. Nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pag-aatubili ng anak ko.

"Ah,no,thanks,Lo. I still have plates to finish."

Umitsa ang tingin ko sa kanya. "Sumama ka na Dean. Come on,you have to relax. Nangingitim na yang ilalim ng mga mata mo kakagawa ng plates na yan. Sumama ka kay Papa." Ma-awtoridad kong sabi.

Ramdam ko ang tingin nila sa akin. Sinubukan kong ituloy ang pagkain ko but it tasted raw that I reached for water and consciously drank half of the glass.

God,did I sounded so desperate?

"Mama,sama ako."

Binunot ko mula sa sahig si Ellie at kinalong. Matamis ko siyang nginitian habang nakaabang kami sa pag-alis ng lolo at kuya niya.

"No,baby. It's boys' stuff. Next time." Pangako ko.

Masama ang simangot niyang tumingin sa akin. And her frown reminded me of someone.

Umatungal siya nang akmang hahalikan ko ang kunot sa kanyang noo.

Bumuntong-hininga ako.

---

Dinampot ko ang asul na ribbon na may glitters and compared it to the pink one. No.Magmumukhang cotton candy si Ellie.

I sighed in frustration.

Hindi pwedeng palagi na lang ganito. I should hire a designer already. I'm too busy to handle a party. Kaya ko na din naman na gumastos ngayon.

Binitiwan ko ang mga laso at binuksan ang cellphone ko. I've been waiting for confirmations from the invitations I e-mailed.

I hit the home button and put down my phone when a knock from the door disrupted me before it opened slowly.

Tinanggal ko ang pagkakatukod ng kamay ko sa mukha ko. Ayokong makita ako ng anak ko na problemado.

Inayos ko ang mesa ko kahit wala naman dapat ayusin. "Dean?" Pormal kong tanong. Hindi yata ako narinig kaya tumingin ako sa kanya.

"Kamusta ang pag-go-golf? Kauuwi niyo lang?" Sana nag-enjoy siya.

"Fun." Gladly his answer.

Tumango ako habang pinagtitingin muli ang mga pinagpipilian kong designs. "And?" I followed. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"I want to say something."

"Hmm? Okay."

"I'm not telling you to do something or what,Mommy. Gusto ko lang pong sabihin ang nararamdaman ko."

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now