:FIRST LOVE 53

72 3 3
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

53


Nicky

GUSTO kong sabihin na unfair kahit alam kong childish at immature lang ang nagsasabi non. How wouldn't I? Kahit kailan hindi niya ako nakitang nagbuntis,he never saw me deliver his children,he was never there when I needed him. Gaano ba naging mahirap sa kanya ng mga panahon na yon? Nangailangan din naman ako pero ni minsan hindi siya nagsakripisyo para makita ako,tulungan ako. But when that woman happened everything was easy. Siya pa ang naunang tumira sa bahay niya.Just the right timing to ask for another chance.

Kung kailan pa man din gusto ko na ulit,handa na ako ulit.

I parked the car at the empty parking. I reached for the key but I got stucked there. Wether to do it or not. Yumuko ako sa manibela nang nasa hatian pa rin ang puso ko. Kung ayaw mo talaga Nick,ayaw mo na. Hindi mo na ginagawa 'to,pero nandito ka. That's because I am not heartless as him! Kaya ko magpatawad ng paulit-ulit,mag-sakripisyo ng walang-hanggan para sa mga anak ko,para sa mga taong mahal ko.

I turned the ignition off and pulled out the key. Bumaba ako ng sasakyan ng puno ng determinasyon. Hilam man sa luha ang mga mata ko,wala sa ayos ang hitsura ko,pero alam kong matino ang isip kong pumarito.

I texted him where he is. Inaasahan kong naghihintay siya sa akin pagdating ko and he is.

Hindi ako tumigil nang makita niya ako at sa halip ay nagtuloy-tuloy ako. Nilagpasan ko siya at naramdaman ko siyang sumunod. I'm calm and sane,and he's keeping pace behind me like I'm not. Nakabulsa ang mga kamay ko sa aking cardigan nang ilabas ko ang kanan para itulak ang pinto. Ramdam ko ang pinipigilan niyang tensyon. Tumuloy ako at hindi na siya sumunod.

I looked around inside the small room and found two pair of wide eyes. Isa sa mga pares ang hindi ko na agad nilubayan. She flinched. She recognized me. Sinundan ko ang tingin niya. Tila umugoy ang puso ko when I saw the mittens and in them were I knew the tiny little boy's hands.

"Sino ka,miss-"

"Nay."

Hindi ko alam kung paano sila nag-usap at nahawi ang daraanan ko patungo sa aking sadya. Halos yumuko siya nang makalapit ako at ibinigay sa akin ang buong karangalan na malapitan ang anak niya. Naka-suero ang sanggol sa isa nitong talampakan,he's sleeping peacefully,walang-malay sa kanyang kalagayan. His blue beanie gave him the most adorable and warm outfit. And then I felt the storm in me departed. Tiniim ko ng mabuti ang mga labi ko para pigilan ang aking pag-iyak,but my eyes have their own will and cascaded the liquids on my cheeks. Mabilis ko silang pinunasan saka ako yumuko at hinalikan ang maliit na anghel sa kanyang noo.

"Hi." I whispered on his tiny ear. He didn't stir. He's in his deep slumber. He's so cute. Nakangiti akong lumayo at humarap sa kanyang ina.

I thought so,kasing-tangkad ko lang talaga si Icy kung hindi lang dahil sa taas ng takong niya nang huli kaming nagkaharap. She aged,far different from the woman I met in Malaysia. She also gained weight from the pregnancy. Her cheeks were naturally red on her white skin. No make-ups and she's still pretty. But no longer the fierce woman I knew.

Paputol-putol ang pagtingin niya sa akin,hindi alam kung ngingiti o hindi.

"Kamusta?" Mabining wika niya. Puno ng hiya.

Inihiwalay ko ang tingin at lumingon ako sa matandang kasama niya na kutob ko ay ang nanay niya. Bumati ako na sinuklian naman nito ng matipid na ngiti. Alam na yata kung sino ako.

"Okay naman. Dapat nagpapahinga ka pa baka mabinat ka." Sabi ko pagbalik ng atensyon ko sa kanya. Hindi siya umimik,hindi na nga yata makapagsalita. Iniisip marahil niya na naparoon ako para manumbat. Pero nagsumikap ako ng isang ngiti na hindi niya nakita bago ako nagpaalam.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now