:FIRST LOVE 23

63 6 1
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

23

Dean

Wil grunted,aching for his bruises on his face. Tapos ay ang kanang braso niya,in-stretch niya.

Nandito na kami sa loob ng iisang kwarto. It should only be Eli and me but Wil and Ajie convinced Mommy-Lola that we must stay in the same room. Hindi ko alam kung ano pa ang nagbago kay Wil at ganito siya ka-overprotective. One good thing about it though was he and Ajie share the same sentiments. They're like my guards.

Nagkukwento si Wil sa ginawa niya habang tinatapik ko ang binti ni Eli para makatulog. At nakikinig naman sa kanya si Ajie,whuch is new. Nagustuhan niya yata ang nalaman niya na nakipagbugbugan ang kuya niya dahil gising na gising siya ngayon para makinig. And Wil is overdoing it.

"...yeah,I threw him! He grabbed my neck kaya sinipa ko siya!"

"Whoa...really Kuya? You're strong!"

Oo,nga Ajie. Kasi tatlo silang pinagtulungan si Wil at nagawa niyang ihagis sila.

"Kapag nakita ko sila bubugbugin ko rin sila!"

Lalo akong nanahimik sa sinabi ni Ajie. Ako rin,nagagalit ako ngayon. I can't believe Tony punched Wil. Buti raw inawat sila kaya pagkatapos ay umalis na si Wil. Sina Cain pa ang naghatid kay Wil kagabi. They said sorry at sa akin din. Sana daw hindi ako madamay sa galit ko sa mga pinsan namin. Hindi naman. Disappointed lang.

"Mga putangina nila! They can just do that to my apo! Kakasuhan ko sila!"

Sabay-sabay kaming natigilan at napatingin sa saradong pinto nang marinig namin si Papa-Lolo at ang mahihinang pag-awat nina Tito Gibb at Mommy-Lola.

"Kinutya nila si Dean,sinaktan pa nila si Wil! They can't just get away with that easily! Ipapakulong ko ang mga walangyang taong yan! Sino ba sila?! Mga apo ko yan! Nasasaktan ako ganyang sinasaktan sila!"

Nagkatinginan kami ni Wil. And like me,he's also teary. Pero si Ajie ang unang umiyak.

"Papa-Lo is angry." He said sadly.

"He's just upset." Sabi ko para kumalma siya. Kahit naman beyond upset sa lagay na yan si Papa-Lolo. Ngayon,mas lalong ayaw na niya sa mga pinsan ko.

I slept beside Eli. Lahat ng unan pinalibot ko sa kanya nang magising siya at parang iiyak. Nakatulog na sa sina Wil at Ajie habang ako kahit anong pikit ko ay hindi ko magawa. Naiisip ko na naman ang mga nangyari kanina at si Mommy. I was checking my phone if she's online. Marami akong pinadala na photos namin ni Eli at lahat ay seen naman. Pero ang mga messages ko ay wala siyang reply. Nang bumukas ang pinto ay nagtulug-tulugan ako. I heard Tito and Tita whispering. They're checking on us. When the door closes back,I checked my inboxes one last time before I drifted to sleep.

Monday. I was supposed to be preparing for school. I never once skip school but for the first time I feel not guilty of thinking not to go. Not now. My mind is clear of yesterday again. Theo is offline. And Mom too.

Napalingon ako kay Eli sa tabi ko. My heart is heavy. Sana pag nagising siya ay hindi niya hanapin si Mommy. Lagpas na ang three sleep na sinabi ko sa kanya. Baka matandaan niya.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon