:FIRST LOVE 32

54 6 1
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

32


Nicky

TUMAWAG sa akin si Dean,I mean si Dean Lazaro,para ipaalam na nahanap na raw si Chesca at kasama nitong uuwi ngayon ang anak ko naman na si Dean Angelo.

Ang batang yon,hindi man lang nagsabi. He's playing hero and yet didn't bother to inform me.

Tinanong ni Papa kung saan ako pupunta gayong darating ngayon si Samuel para 'dumalaw' though kahit obvious naman doon sa tao na pinagbibigyan lang ang request niya na i-date ako. Sam and I talked about it,sinasakyan na lang namin si Papa para walang masabi.

Pagdating ko sa mga Lazaro ay wala pa sina Dean. Pero nasa labas na ang mag-asawa at hinihintay ang pagdating ni Chesca. Si Agnes ay napapaiyak na.

When finally,a familiar white SUV halted,halos dumugin ng mag-asawa ang pinto nang bumuka iyon at bumaba ang anak ko. Pero parang may malaking problema ito dahil kunot na kunot ang noo at nakaalalay ang tingin sa loob ng sasakyan,sa backseat.

Nasa likuran lang ako ng mag-asawa at nakikisilip at nakaabang sa nangyayari.

"It's alright,I got you." Sabi ng anak ko sa kung sinuman na nasa loob,malamang ay si Chesca.

Nakapagtataka yon. Natatakot ang bata?

Lumapit ako para makita ng maigi.

Tumabi si Angelo at nakita ng mag-asawa,lalo na ni Dean ang anak niyang umiiyak sa loob. Ayaw lumabas,umiiling ng umiiling kaya pumasok na sa loob si Agnes para akayin.

Nagsimula akong matangay sa nangyayari dahil nag-iiyakan na sila.

Doon na ako lumapit kay Angelo para magtanong. "Baby,what happen to her? Is she alright?"

Hindi ako tinitignan ng anak ko pero binigyan ako ng iling na sagot. Magtatanong pa sana ulit ako nang bumaba na nga ng sasakyan si Agnes kasama si Chesca.

"Where have you been,Ches?" Halos maiyak sa galak na tanong ni Dean sa bata at niyakap ito ng mahigpit,halos umangat si Chesca mula sa semento.

Pagkatapos ay lumapit ang mag-asawa sa may harapan,bumaba ang salamin ng bintana at nakita ko ang kaibigan ng anak kong si Bianca. Panay ang pasalamat ng dalawa sa paghatid sa anak nila,pagkatapos ay si Dean naman ang lumapit nang pumasok na sa loob ang mag-asawa akay si Chesca.

"Goodnight,Dean,Tita Nicks." Nakangiting paalam ni Bianca.

"Take care." Sabi ng anak ko.

"Goodnight,ingat sa pag-uwi." Sabi ko naman bago sumunod kay Angelo nang magpatiunang pumasok sa loob.

Pagpasok namin ay naabutan namin sa sala na nakaluhod si Dean sa harapan ni Chesca na nakaupo sa sofa. Umiiyak ang bata. Nasa tabi nito si Agnes at si Veronica na nakayakap dito.

Tumigil kami ni Angelo may kalayuan sa kanila. Distansya yon ng anak ko na seryosong nakaabang sa mga nangyayari.

"Honey,what happened? Come on tell Papa what happened. Promise anak hindi ako magagalit sayo. Come on,Chesca,tell me." Ani Dean sa anak na nanatiling nakayuko,magkasalikop ang mga kamay sa kandungan. Umiiyak lang ng umiiyak at umiiling.

Kahit ako hindi maniniwala kung ganyan ang makikita ko. Something's really wrong.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko ulit non kay Angelo sa tabi ko.

Marahang pumaling sa akin ang mukha ng anak ko at malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. Ano bang nangyayari? Kinakabahan na ako.

"Dean,ano bang nangyari?" Came Dean's thick voice. Namumula sa iyak at galit ang mga matang nakabaling sa anak ko.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now