:FIRST LOVE 56

68 6 3
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

56

Nicky


"BYE,ma'am Nicks,salamat po sa pakain...." Anang mga officemates ko habang isa-isa silang nagtatayuan na at nagpapaalam.

Matamis akong ngumiti.

"Happy birthday po ulit."

"Thanks...." Sagot ko sa kaparehong flirty na tono. Nagkatawanan muli kami.

There were only four of them. Iyong mga pinakamalalapit lamang sa akin dahil hangga't maaari ay I want tgus day to be just discreet. Kung hindi lang ako nahiya ay hindi na rin talaga ako nag-treat. It's just my birthday.

Tumayo na rin ako at aalis na. Palabas na ako nang isa-isa kong mabasa ang mga messages na hindi ko napansin kanina. At isa doon ang nagpainit ng ulo ko.

Anong oras na at bakit ngayon lang nagsabi ang sundo ni Dean na hindi niya masusundo ang anak ko? Alas seis natatapos ang huling klase ni Dean supposed to be ay nasa bahay na siya. Pero nag-text ang driver ngayon lang? Aba past nine na. Ano na lang ang nangyari sa anak ko?

Ito talaga ang mahirap minsan kapag bago ang driver. Hindi nito kabisado amg kaugalian ng pamilya. Nevertheless,I quickly called back. Nasa talyer pa raw ang nasiraang sasakyan. At si Dean ay nasa mall daw,naghihintay pa rin.

Nagmadali akong sumakay ng sasakyan ko habang sinusubukan kong tawagan si Dean.

Bakit naman kasi hindi na lang nag-commute,di sana kanina pa nakauwi.

Pagdating ko ay nasa third floor pa rin si Dean.Paulit-ulit kong pinapababa sa parking pero mahigpit naman akong binibilinan na umakyat.

Simangot at nakapameywang ko siyang inabutan sa arcade. But my son just put up his best malambing smile. He's not in his uniform. Wala rin dalang gamit. Pumasok ba siya?

"Ano to?" Aniko nang iabot sa akin ang hawak na stuff toy.

"From the claw machine. My birthday gift."

Maang ko siyang tinignan at inabot na nga iyon. Nanatili pa rin ang kakaiba niyang ngiti. "Thanks. Tara na." Sabi ko at akmang tatalikod na nang lapitan niya ako at bigla na lamang akong niyakap. Nagulat ako. Then I thought it's my birthday.

"Happy birthday,Mom."

I carefully rubbed his back when he gets emotional. Nang lumayo siya,inabot ko ang mga mata niya at ako na ang nagpunas ng mga luha niya. Nahiya pa at muling sinubsob ang mukha sa balikat ko.

"I love you."

"Okay ka lang? Ba't emosyonal ka? May ginawa ka ba na ikakagalit ko?" Biro ko. Sa ilang beses na bigla siyang nagkakaganito ay nasanay na ako.

Muli siyang lumayo at umiling. Pinunasan na rin ang sariling luha saka kinuha ang kamay ko at hinila ako.

"Sandali,sa'n tayo pupunta? Dean,gabi na,uwi na tayo,baby." Awat ko at nagpapapigil akong madala niya. But he's stronger that I almost weight nothing.

"Basta." Sabi niya lang na may kakaibang ngiti ng lingunin ako.

"Dean!"

"Mommy!" Gaya niya sa tono ko sabay tawa at nakakalokong sumulyap sa akin. Ano bang ginagawa ng batang 'to?

Nang tumigil kami sa dulo ng hallway sa tapat ng saradong mga pinto. Lumaki ang pagtataka ko nang bitiwan niya ang kamay ko. Tumayo siya sa likod ko. Nang lumingon ako ay nakita ko siyang may hawak na two-way radio.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now