:FIRST LOVE 28

64 6 2
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

28


Nicky

GUSTO ko na ako ulit ang mag-alaga sa anak ko.It was a direct assault that bitch babysitter did to my daughter. Pwedeng-pwede ko siyang ipakulong,iniisip ko pa lang kung ano pa kaya ang mga nagawa niya during those times na sila lang ng anak ko ang magkasama?

"She'll just be beside me,Pa." I argued to Papa. I was telling him that I'll take Eli with me to work. Ganon ang set-up na gusto ko magmula ngayon but here are my parents so much against it.

Tumigil si Papa saglit sa paglalagay ng napkin sa kwelyo niya to look at me with tough expression.

"No. Can you imagine the inconvenience it may bring?"

Umirap ako. "Papa,hindi abala ang anak ko."

"I said no. Kung pinayagan kita bakit hindi ko payagan ang ibang empleyado ko na isama din nila ang mga anak nila? Ano'ng tingin mo sa opisina ko? A playground?"

Ibinaba ko ang mga kubyertos at kumapit sa mesa para makahigit ako ng malalim na hininga. But still,hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong maglabas ng sama ng loob. "Kung sa bagay,ano pa nga ba? Nagawa nyo nga kaming ipagtabuyan ni Dean noon." I murmured.

May humila ng upuan sa tabi ko at doon na natapos ang argumento.

"Dean,ano yan? May sakit ka ba apo?"

Pairap na binalingan ko ang pinakapaboritong tao niya sa bahay na 'to. Kahit kinagat lang ng langgam ay big deal na. Pero nang makita ko ang katabi ko,sumulak ang pagiging ina ko.

"What happen to you? You look like Rudolph the reindeer.Stop scratching your nose." Mahinang angil ko kay Dean dahil pulang-pula na ang ilong niya na mukhang kanina pa niya nilalapirot. And his eyes,under them were darkening eyebags. "I said,stop scratching your nose." Ulit ko dahil hindi tumigil kahit mukhang nasasaktan na siya. May Eli ako na pinoproblema at mukhang heto ang isang to na dadagdag.

Ang magaling tinignan ako ng masama. "It's itchy." He said,irritated.

"Hindi ka kasi natutulog ng maayos,ayan. Natutulog ka pa ba,Dean?" Hindi ko maawat ang galit ko dahil pinag-aalala niya ako.

Pero sa halip na sagutin ako ay tinitigan niya ako sa aking mga mata,at doon ay naaninag ko ang paninisi,at nang bawiin niya ay nahagip ko ang pagtatampo.

"Hindi ba may allergy ka,Dean?" Ang lola niya ang nagtatanong.

Hindi ko na naibalik ang tingin ko sa kanila dahil sa guilt na tumama sa akin. Hindi na rin ako makaimik dahil alam ko na.

Pagkatapos kumain ay sumaglit ako sa itaas. At doon ay nalaman ko kung paano na naman ako naging pabayang ina.

Nauna ako sa sasakyan pagkagaling ko sa itaas. Inabangan ko ang pagpasok ni Dean sa backseat at hinuli ang tingin niya sa rearview mirror. My son dodged on my sight. Tuloy lalo akong nakaramdam ng guilt at awa.Nagagalit ako ngayon sa sarili ko.

Paano ko ba gagawin 'to ng maayos kung pakiramdam ko ay mag-isa lang ako? Kailangan ako ni Eli pero kailangan kong magtrabaho. Ako dapat ang unang naniniguro sa kalusugan ni Dean pero heto at nagpapabaya ako.

Bwisit na Tim. Kung nandito sana siya,kung maaasahan ko pa sana siya sana hindi ganito. Wala dapat ako ibang lugar na pinupunan. Wala sanang kulang.

"Pa,ihahatid muna kita sa office,dadalhin ko lang sa clinic si Dean." Paalam ko agad pagsakay ni Papa sa tabi ko.

Tinignan ako ni Papa bago kumilos para lingunin si Dean sa backseat. Hindi ko na pinanonood si Dean sa salamin dahil masyado akong guilty para salubungin muli ang tingin niya.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now