:FIRST LOVE 4

45 4 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

Due to technical error I can no longer use my first account.

But you can still read the prequel of this story titled Me,My Mom & Her Bestfriend,at my original account Robin_Blue.

Thank you.

-------

4

AFTER the cotillion hindi humiwalay si Allison sa kanya na nasundan kaagad ng isang romatic dance.

"Sige na please...." She pouted to him.

Nahihiya si Dean at ayaw niya itong pagbigyan,gusto na lang niya maupo but when her friends and his colleagues saw them negotiating,napilitan siyang pumayag.Ayos lang sa kanya ang mapahiya at makantyawan pero hindi ang kanyang kasama.

"Sa gitna tayo."

"No,dito na."

"Please?"

"Sige na Dean...nagmamakaawa na si Alli o...." Sulyap sa kanila ni Jeric na sumasayaw na.

"Shut it." Aniya rito dahil kanina pa sabay hila kay Allison sa gitna. "Dito na ba?" Inis niyang tanong sabay bitaw dito nang makarating sila sa tingin niya ay ang gitna.

Masayang 'yes' ang itinugon nito sabay patong ng mga kamay sa kanyang balikat.Siya naman ay nginusuan na dalhin ang kanyang mga kamay sa dapat nitong kalagyan.

"Grab it.I can't feel your hands." Maktol nito pagkapit ng kanyang mga kamay.

Inis siyang sumunod at halos mamula ito sa tuwa at impit na tumili sa kilig.

"Okay...." Sabi at nagsimula na silang magpasaliw-saliw sa kantang Perfect ni Ed Sheeran.

Pagkatapos ng unang chorus,Allison was not happy.Daig pa nila ang naglalaro ng Trip to Jerusalem na may upuang nakaharang dahil sa distansya ng katawan nila ni Dean.Habang ang mga kaibigan niyang natatanaw niya ay nakaakap na sa kanilang kapareha.Since junior high crush na crush na niya si Dean kaya nga umabot siya ng section star para lang maging ka-klase ito.Kaya hindi pwedeng lumagpas ang huling pagkakataon niyang ito.

Dean was looking beyond Allison.Tagos ang tingin niya sa likod nito kakaisip sa naging pag-uusap nila ni Theo kanina.Hindi niya napansin na unti-unti na pala itong lumalapit sa kanya hanggang sa-

"Allison,you're too close." Sabi niya dahil halos nakayakap na sa kanya,actually she's already making herself comfortable against his chest.

Allison nodded her head and sniffed on him. "You smell good." Anito na nagpatahimik sa kanya.Hindi na siya umangal sa hiya at nanahimik.

"Allis-"

Gumapang ang mga kamay nito mula sa kanyang balikat pakulong sa kanyang dibdib.Pero hindi yon ang pumutol sa pag-angal niya.

"Dean I really like you so much...."
His feet stopped moving.At hanggang sa natapos itong magsalita ay nanatili lamang siyang nakatayo kasama ito habang sinusunog ng hiya at matinding pagkailang.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now