: FIRST LOVE 14

50 5 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

Due to technical error I can no longer use my first account.

But you can still read the prequel of this story titled Me,My Mom & Her Bestfriend,at my original account Robin_Blue.

Thank you.
--------------------

14


DAYS become weeks. Ganito na tumatagal na hindi kumokontak si Theo sa kanila.

Mabuti na lamang at occupied si Dean sa paghahanda nito sa college kung kaya may panahon pa siya para hindi mag-alala. Ayaw ni Nicky na matunugan ng anak ang problema niya kay Theo dahil ayaw niya itong magdamdam at mag-isip ng kung ano. Kahit siya ito ay nagsisimula nang magkaroon ng agam-agam.

Sa ngayon ay si Eli pa lang ang nakakaramdam sa pagbabago. At least ang bata ay nauuto pa niya,kesyo nasa banyo ang Daddy nito naliligo,na tulog na ito dahil pagod o kaya ay wala silang internet connection. Pero nitong mga nakaraang araw ay nagsisimula na itong magduda. Ayaw na siyang paniwalaan.

Aside from Theo,isa pa sa mga missing in action na napansin niya ay si Jayson. Ang huling kita niya sa binata ay nang magdala ito ng chocolates sa kanila. At si Dean ang huli nitong kausap dahil napagtagumpayan na naman niyang iwasan. Tuloy ay may duda siya na may kinalaman ang anak sa biglang pagtigil ng pangungulit ng pinsan nito sa kanya. Kung ganon ay alam na ni Dean ang tinatago niyang problema kay Jayson.

At kung may pagbabago man sa pakikitungo ng anak sa kanya pagkatapos nitong malaman ay wala naman siyang napapansin. Maliban sa naging protective ito sa kanya. Katulad na lamang noong dinner sa bahay ng Tito Gibb nito kung saan nakilala nito si Santino,na totoo naman ay naging manliligaw niya pero naroon at naimbitahan lamang bilang kliyente sa negosyo ng Lolo at Tito nito. Hindi na niya iyon nasabi pa kay Dean dahil mukhang sapat na rito ang sinabi niya ng nakaraang pag-uusap nila. Na hindi siya papatol sa iba dahil sa respeto niya sa pagsasama nila ni Theo. Iyon pa lamang ay sapat na rito para isipin na wala itong dapat na ipangamba.

Ito lamang talagang pananahimik ni Theo ang unti-unting lumalamon ng oras niya sa pag-iisip. Kung nang nakaraang linggo ay may 'seen' pa siyang natatanggap ngayon ay wala na. May ilang magdamag na siyang nag-abang ngunit ni minsan ay hindi na ito nag-o-online. Nang tawagan niya sa roaming number ay hindi na makontak.

Nicky is seriously beginning to worry.

"Hindi ka na nahiya. Kung sino-sino ang iniistorbo mo. Nakakahiya sa mga kasama ko para kang stalker. Hindi ka ba makapaghintay na tawagan kita? Parang tatlong araw lang,Nicky."

Naalala niyang pagsusungit sa kanya ni Theo nang minsan mag-MIA ito. Simula non ay natuto siyang maghintay sa mga tawag at paramdam nito. Pero ngayon,baka naman sapat na ang halos isang buwan nitong katahimikan para gawin muli niya ang ginawa?

Parang gagawin lang niya ang parte niya bilang isang nag-aalalang partner nito. Ganon naman dapat di'ba? May karapatan naman siya hindi ba? Lalo na at hindi nakakatuwa ang mag-alala at maghintay sa taong malayo sayo at hindi mo pisikal na nakikita. Parang mental torture.

Isa-isa niyang kinontak ang mga alam niyang kakilala at katrabaho ni Theo doon through social medias. Katulad ng bandmates nitong mga pinoy at kasama sa bahay. At isa na doon ang bagong miyembro na si Icy.

Oras at araw lamang ang pagitan ng pagtugon ng mga ito sa kanya. At halos iisa ang sagot ng mga ito.

Pumapasok pa naman daw si Theo sa trabaho at umuuwi pa rin sa parehong apartment.

So wala palang problema.

Pero itong Icy Martin na pinagdududahan niya ay seen lang ang napala niya. Ilang beses pa niyang binasa ang message niya rito at wala naman siyang nabasang masama para hindi nito pansinin.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora