:FIRST LOVE 3

56 4 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

Due to technical error I can no longer use my first account.

But you can still read the prequel of this story titled Me,My Mom & Her Bestfriend,at my original account Robin_Blue.

Thank you.

-------

3


ONE...two...three...smile!

Magka-akbay ang dalawa habang nasa likod nila ng kanilang mga magulang.Parang mga artistang pinagkukuhaan ng letrato sina Dean at Bianca ng mga kamag-anak pagkatapos ng graduation ceremony.

"You two naman." Ani Nicky at pinagtabi ang dalawa.

Ngumiti si Bianca at inakbayan si Dean.
Nang matapos,saka pa lang nagkaharap ang dalawa para makapag-usap.Bawi na rin sa halos isang linggo nilang hindi pagpansinan.

"Susunduin mo 'ko?" Hindi yon tanong kundi utos ni Bianca.

Gustong umuyam ni Dean pero pinigilan,baka kasi mauwi na naman sila isa na namang pag-a-away. "Okay...." He answered in a sigh.

"Ayaw mo?"

"I said okay....Diba you have a driver?"

"See? Ayaw mo?"

"Sinabi ko na okay diba?"

"Pero napipilitan ka lang."

"How do you know?" Sarkastiko niyang sabi.

Lumiit lalo ang mga mata nito. "Being one of the highest honored student does not give you an additional brain in there Dean.Kung ayaw mo,di wag.As simple as that."

Yeah,as simple as complicated as you.Dean does not want to make a scene,kaya hinayaan niya itong mag-walk-out.What is her problem?She's been this annoying since the beginning of the last semester.

"Tara na? Baka nagwawala na don ang kapatid mo." Anang Mommy niya pagkatapos makipag-usap sa mga magulang ni Bianca.

Dean followed her and his grandparents who came to watch him.They've been so proud and maybe the loudest applauses from the audience when he delivered his speech.He wished Theo could have been one of them.

"Dean!"

Magkasabay silang napalingon ni Nicky sa tumawag.He saw Anthony o Tony na lang daw na papalapit sa kanila.

Dean looked at her Mom,may kunot sa noo nito.Same expression when she learned who Tony is.Na parang ayaw nitong magkakilala sila ng kanyang pinsan.

Sa likod ni Tony ang mga magulang nito at kapatid.

Hindi pa nakakalapit,naging pilyo na naman si Tony. "Congrats to the both of us!" He said and hailed his arms for a bro hug.

Nagpatianod na lang si Dean sa pagka-cool nito.

Nang maghiwalay,tumambad sa kanya ang mga seryosong mukha sa kanyang harapan.Isa don ang hawig ni Theo,old version nga lang.At sa tabi nito ay ang madalas niyang makitang sundo ng pinsan.

"Hello po." Nahihiya niyang bati.Hindi niya alam kung paano kumilos sa harapan ng mga ito.

Malakas siyang tinapik ni Tony sabay akbay. "My,Dy,Big Bro...meet Dean.Anak ni Uncle Theo." Buong pagmamalaking pakilala nito sa kanya.

Umani yon ng pag-angat ng mga kilay at matamang pagmasid sa kanya.Hindi pa man nakakabawi ay tumabi sila ni Tony para bigyang atensyon naman ang Mommy niya na nasa kanilang likuran.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon