:FIRST LOVE 17

50 6 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

Due to technical error I can no longer use my first account.

But you can still read the prequel of this story titled Me,My Mom & Her Bestfriend at my original account Robin_Blue.

Thank you.
--------------------

17


HINDI gagawin sa kanya ni Theo yon. Nicky reminded herself like a chant. Pero kahit ganon,kahit ulit-ulitin niya,she knows deep down that he did.

Imposibleng hindi ito magpaparamdam ng walang dahilan. Kinamusta muli niya ito sa kasamahan nito at nalaman niya na wala pa rin namang nagbago kay Theo. Kaya natatakot siya sa posibleng dahilan. And it's almost two months already.

"Mama,Daddy...." Eli once again demanded. Inaabot nito ang mga braso para magpakarga habang namumula ang mukha na tila iiyak muli.

Nakita kasi nitong hawak niya ang kanyang cellphone at nagka-ideya ito na tawagin ang Daddy nito na ilang buwan na nitong hindi nakikita at nakakausap sa screen.

Nicky's heart aches. Her tears brimmed. Napakaliit pa ni Eli,too inocent to feel this abandonment. Paano pa kaya kung katulad niya ay malaman nito ang totoo? Eli would surely hurt the way she does. And it aches her so much just by thinking.

But again,who knows what really happened? Baka naman bigla ay may Theo na lang na darating,susurpresahin lang pala sila?

Sininghot pabalik ni Nicky ang kanyang emosyon nang mapansin sa gilid ng kanyang paningin ang pagbaba ni Dean sa hagdanan. Inabot niya si Eli at kinarga.

"Mama...Daddy...." Ani Eli muli at inaagaw ang cellphone niyang nawalan na yata ng kwenta nang hindi na kumokontak ang ama nito.

"Later,baby." Sabi niya at umalis na sa sala at tumungo sa kusina.

At nang sandaling naroon siya ay mahigpit niyang niyakap si Eli. Hinagkan sa pisngi ng paulit-ulit na tulad niya ay hindi sumusuko. Hindi pwede,hindi maaari.

Nang gabing yon ay nagluto siya ng paborito ni Dean,sweet-chili Chicken Adobo. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang pinipilit na nagpapakatatag sa harapan nito.

Nicky couldn't take looking at her son's eyes. Na palaging nagtatanong at wala siyang maisagot. Napakatalino pa man din nito. Kita mo nga at kahit paborito nito ang nakahain ay wala itong imik sa pagkain,ramdam na marahil na tensyunado siya. That she's up to something. And she is.

"Ako na Ma." Agaw ni Eli sa kutsara nito.

Ibinigay naman niya at hinayaan itong subuan ang sarili habang nakamasid siya. Nang makita niyang gumagaling na ang anak ay malalim na humugot siya ng buntong-hininga saka dahan-dahang pumihit paharap kay Dean.

Nakatungo ang binata niya sa pagkain nito nang abutan niya,ngunit ng maramdaman siyang nakatingin ay marahan itong nag-angat ng tingin.

Nicky fought the urge to look away. Nasasaktan siyang makita na ganito si Dean,alam niyang nalilito ito ngayon at nalulungkot. Baka nga nasasaktan na rin. Kung bakit ba naman kasi napakatalino ng batang 'to. Hindi na lang ito tumulad sa ibang kabataan dyan na walang pakealam sa problema ng pamilya.

"Dean." Simula niya at handang-handa na ito. Ilang linggo na lang at papasok na ito ng kolehiyo at naiisip niya ang mga gastusin. "Dean,aalis ako sa Wednesday." Sabi niya,pigil ang pag-atake ng kanyang emosyon.

Dean didn't look surprise,or maybe tried not to be surprised yet. Tumuwid lamang ito ng upo habang hawak pa rin sa magkabilang kamay ang kubyertos. And looked at Nicky straightly. "Where?" Tanong nito na animo ay nakakatandang para pagpaalaman niya.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now