PART 4:FIRST LOVE 50

61 5 1
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

50


Nicky

NO,iyon kaagad ang isinagot ni Papa nang magpaalam si Dean and two days after that my son was still sulking. At maagang umuuwi. Ibig sabihin ay wala pa ang Daddy niya. Hindi nauuwi.

Umuwi siya don kay Icy,okay,then they're one big happy family. So what it's for me? Bakit ba ako nababahala? Okay nga yon eh,hindi na siya manggugulo. Doon na siya sa bago niyang pamilya.

I put down my pen. Na-s-stress ako. My fingertips and toes were like burning. Tumayo ako at tumungong pantry. Maybe a cold water will do. I drank two glasses and it's still there. Bumalik ako sa mesa ko at napatitig sa monitor. May wi-fi,breaktime,maraming pwedeng gawin. Facebook.

No.

No,no,no.

Umuwi ako sa bahay ng maaga. Overtime seems to stress me more. Pinuntahan ko si Eli,nilagpasan si Dean. Nakipagkwentuhan ako sa anak kong maraming kwento. Nag-e-enjoy na ako until she dropped the last bomb I least expected. "Punta tayo kay Daddy,Mama. Miss ko na siya." Sabi niya out of the blue habang inaayos ko ang pagkakahiga naming dalawa sa maliit na kama niya.

I pursed my lips. "Okay." Maikling sagot ko dahil kahit sa bata ay ayokong pahabain ang inosenteng usapan na 'to.

"Tomorrow? Wala akong class...." Ungot niya,pouting her lips to pronounced those words clearly.

Eli,mas nakaka-stress ka pa ngayon kaysa sa trabaho ko,alam mo ba yon?

"Yeah." Labas sa ilong na sagot ko at napagdesisyunan na sa kwarto ko na lang ako matutulog. I can't ruin an innocent wish,you know?

Paglabas ko sa tapat naman ng pinto ni Dean ako natigilan. I mean,sinadya ko naman. May alam ang anak kong ito to what I'm itching to know eh. I bit my lip. Deciding if I should or not.

"Shit ka,girl. Tama na.Okay?" Galit kong bulong sa sarili ko at makailang buntong-hiningang nilagpasan ang pinto.

But only two minutes in bed made me die in more frustration. Tanginang ganito. "Bakit ba? Bakit ba? Bakit ba...?!" Sinuntok ko ang kutson at bumangon.

Umuwi na ba siya o hindi?

Babalik pa ba siya? O bumalik na ba?

God,Nicky...move your ass on! It is not your business anymore!

---

"Ano'ng nangyayari sa'yo? Sa'n ka naman nagpuyat? Di ka naman nag-overtime kagabi." My asshole of a brother noticed.

Umirap ako at kinuha na ang pinapirmahan ko.

"Kung hindi ko lang alam,iisipin ko na may nagpupuyat sayo. Meron ba,ha,sis?"

"Nakakatawa." Sarkastikong tugon ko sa obvious na pang-aasar niya.

Kagaya kahapon maaga akong umuwi. At gayundin ulit si Dean na alas-tres pa lang daw ay nasa bahay na sabi ng kapalit ni Kuya Rey. Na-stress na naman ako. So ibig sabihin ay wala pa ang lalaking yon? Mag-o-overthink ka na nga lang Nicky siya na naman?

At kagaya rin kahapon si Eli ang kaagad kong pinuntahan. At para lang maabutan ko silang may kausap ng Kuya niya sa cellphone. Nakahiga sila at tig-isa ng earphone. Napatingin sila ng sabay sa akin nang pumasok ako. Naging aware agad ang reaksyon ni Dean habang ang kapatid naman niya ay oblivious na nagbalik sa kausap sa kabilang linya at dinamay pa ako. "Daddy,nandito na si Mama,usap mo siya?"

Gusto kong umatras,lumabas pero heck,bakit ko gagawin yon? "Malapit na'ng mag-dinner. Tama na yan." I just nonsensically nag and went to pick the pillow from the floor. Nilakasan ko ang pag pagpag habang sinasabihan ako ni Eli na kausap daw niya ang Daddy niya at kausapin ko daw. Whilst my son is watching me. I pretended I didn't hear any and continued on my charade. Pagpag doon,tupi doon,ayos doon,habang sa pagitan ng mga iyon ay ang pagsingit ng mga impormasyong naririnig ko. Like my daughter said, "tagal ka pa uwi? Mga three sleep pa? Why? Miss na kita,Daddy...! Uwi ka na,please....Please na o. Mommy din. And Kuya miss ka na niya." I almost snatched the damn phone at ng ako ng makipag-usap sa lintik na lalaking yan.

Lumabas akong nagpupuyos at bumaba ng bahay.

"So,he went to see another son."

Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Papa na kalalabas ng kwarto nila ni Mama. Muntik ko na siyang ikutan ng mga mata. Isa pa eh.

Hindi ako umimik. Ano naman ang sasabihin ko? 'Oo nga Dad eh. Nice 'no?'

"Dumating na ba ang passport ni Dean?" Doon ako humarap sa kanya pero wala akong nahagilap sabihin. Umakyat na naman kasi agad ang emosyon ko. "I-follow up mo agad kung wala pa. Yung," he's now drying his hands with a hand towel. Bagong shower siya at ako naman ay parang ayaw ng maligo sa lungkot. "...Titirhan nila don ni Wil okay na. Malapit lang sa university."

Bumalik ako sa itaas na nagpipigil maiyak. Bakit ba ang lakas mam-bully ngayon ng mga tao sa akin? Kakapasok ko pa lang sa kwarto ko nang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Eli. Barefoot,hair's everywhere on her face,and holding her Kuya's cellphone na at the same time ay inaabot niya sa akin. "Mama! Mama,o,it's my baby brother!"

What the hell?

Mabilis kong inabot ang cellphone at tinignan ang sinasabi niya na sa lakas ng kutob ko ngayon ay nauna na sa panghuhusga. Talagang ipinakita niya kay Eli ang 'anak' niya? Hindi ba siya nag-iisip? Paano ko ipapaliwanag kay Eli ngayon yan? Pero isang maliit na mukha ng payapang sanggol ang bumungad sa akin. Ang pagkakahawig.Naramdaman kong lumisan ang galit ko. And then my heart felt a pinched. "Why did you take your Kuya's phone?" Galit kong baling kay Eloisa. Taking away my eyes off to that heart-wrenching little angel.

"Tulog siya." Sagot ng anak ko sa galit na ring tono dahil nagtaas ako ng akin.

Nagbuga ako ng hininga at kinuha ang kamay niya. Binalikan namin si Dean sa kwarto niya. At totoo nga. Humulas ang galit ko at wala akong nagawa at tinignan na lang ulit ang screen. Nag-igtingan ang mga panga ko. "Halika na,doon ka muna sa kwarto ni Mama. Hayaan muna natin si Kuya matulog."

"Sige." Bratinelang sagot ng bata sabay binabawi ang cellphone.

"Maglaro ka na lang. Heto." Balik ko pagbukas ng laro doon. Ano ba yan,another mind game! Isip dyan,isip doon. Wala na bang iba? Di ba nakakapudpod din ang kakaisip?

Bumalik kami sa kwarto ko at kinuha ko ang cellphone ko. Sabi nang ayokong makausap ang lalaking yon. Pero mukhang ito ang pagkakataon para subukin yon. Binuksan ko ang Messenger account ko at hinanap ang account niya saka ko in-unblock. I pretended reading all the old flooded messages and quickly typed in the chat box.

'Bakit naman kailangan mo pang ipakita sa mga bata ang anak mo sa kanya? Lalo na kay Eloisa. How incosiderate you are. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ngayon yan?

Sana sa susunod, magpaalam ka sa akin. Hindi yung ginagawa mo na lang ang gusto mo. Wait.

Bumuntong-hininga ako. Nandito sila sa akin kaya sa akin sila magtatanong. Anong isasagot ko?

Nakakainis ka. No. Nakakabwisit ka. No.Shit. Delete that.

Ibinalik ko sa dresser ang cellphone pagka-send. Then looked down on it for a minute. Offline siya,baka mag-online at mabasa agad. Pero wala.

Damn. Nanggigil ako talaga,Timotheo!

---

"Mom." Mahinang tuktok sa aking balikat.

"What?" Kunot-noong lingon ko kay Dean dahil malapit na sana akong malamon ng pinapanood ko sa TV.

Sa iba nakatingin ang anak ko,parang ayaw makisangkot anuman ang nilalaman ng cellphone niya na inaabot niya ngayon sa akin. Na siyang ginamit niyang panuktok kanina. Hindi siya sumagot at inabot ko na lang din yon. Tamad at tukod ang isang kamay sa sentido na inurirat ko ang naroon.

Tell your Mom open her Messenger. Anang mensahe na nagpasiklab pabalik ng init sa dugo ko na kanina ay halos mangamatay na.

Marahas kong nilingon muli si Dean. Nagtatanong ang kunot sa noo ko sa kanya. Kinibitan lang ako ng balikat.

"Phone." Nang mawala sa isip ko dahil agad kong hinanap ang akin sa inuupuan ko. Walang lingon kong ibinalik ang cellphone niya at nakita ko naman ang akin. Naramdaman ko siyang umalis na kasunod ang mabagal na pag-akyat ng kanyang mga yabag.

Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko sa galit na binuksan ang account ko at binasa ang mga messages niya. Napakadami. Pinakamarami ang 'Sorry' at 'Pasensya na'. At ang dulo,'Mag-usap tayo pagbalik ko'. And something from that last message put my heart back to it's normal rythm.

.....

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now