:FIRST LOVE 42

57 6 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

42

DINALA niya ang kanyang tingin sa hawak na paper bag,sakaling maniwala ang usherette sa kanya. Nasa likod lamang nito ang gwardya,binabantayan ang kanyang kilos. They probably think that he 's trying to gate-crash.

"May invitation po kayo,sir? Kaano-ano niyo po ang celebrant?" Ang sunod na tanong ng usherette.

Theo couldn't answer straight. Kanina lamang niya nalaman kung saan idinadaos ang birthday party ni Eli. May dummy account siyang ginawa sa Facebook para ma-stalk ang kanyang mag-i-ina. At kanina ay nag-post si Nicky kaya nalaman niya kung nasaan ang mga ito.Umaasa na makita at mahawakan ang anak.

Theo sighed. Tumindig at buong-loob na tumingin sa usherette. "Ako ang daddy ng celebrant."

Dahil hindi naman kailangang nasa guest list ang tatay ng celebrant ay malaya siyang pinapasok. He is too decent looking to be doubted. He's wearing his best casual attire to meet her daughter.

Malaki ang venue pero kalahati lamang non ang inookupa ng mga disenyo. His heart tugged on the theme. Sa hitsura ng mga guests lalo ng mga bata na naka-costume. They were having an underwater theme. And her daughter characters that famous little mermaid,Ariel. Ang cute-cute nito habang kalong ni Nicky sa harapan at kinakantahan ng lahat ng happy birthday song.

Naluluha siyang lumapit. His height made him able to see above the crowd as he neared. He craned his neck when somebody that's taller block his sight on Ellie. Umiinit ang puso niya sa tagpong nakikita niya,naghahalong pagkasabik at pagka-inggit ang kanyang nararamdaman. At ang pagkasabik niya ang tila humahatak sa kanyang lumapit.

Nagpapalakpakan ang lahat,Eli is giggling,everyone beside her kisses her cheek. Reaching to give her their presents. Kaya humakbang siya at nakisiksik para i-abot din ang sa kanya.

He bought her her first music instrument,her first guitar,he's going to teach her to play. She'll be good in music. They will sing and play their guitars together.

Pero bago pa man siya makita ni Dean ay naunahan na ito ni Eli. "Daddy!" She called,already throwing her arms towards him.

Tila sandaling nawala ang ingay at tumigil ang tugtog nang bumaling ang tingin ng lahat sa kanya.

Theo swallowed the lump in his throat. Ramdam na ramdam niya ang pagiging outsider lalo nang ilayo kaagad ni Nicky si Eli mula sa kanya. Nanghahaba ang mga braso ng bata at iwinawagwag ang mga binti sa pagnanais na makababa.

"Daddy!" Anitong muli kung kaya lumusong siya para abutin sana ito.

But they began to take him away as instructed by the grandfather.

While Dean stood there,waiting for his dad to make it.

Umiiyak at nagwawala si Eli and Nicky is doing everything to shush her desperately,pulling her arms down,locking them but Eli can't be forced. Her feet knocked off the cake and it flatted ugly on the white-clothed table. Doon napalo ni Nicky ang anak at pumalahaw ito ng iyak. Her mother freaked out lalo nang lumalim ang pag-iyak ni Eli at tila hindi na bumabalik. They began to hysterical.

"Ibigay mo na! Utang na loob Nicolette ibigay mo na siya!" But she remain unmoved.

Theo fought from the pull.

"Nicolette!" Ulit ni Adelaide.

"Mommy!" Segunda naman ni Dean nang hindi kumikilos ang mommy niya.

Naghiyawan naman ang mga bisita nang wala ng iyak na lumalabas mula kay Eloisa.

"Give her to him!" Sa huli ay utos ng matandang Acosta.

Tila natauhan,tarantang inabot ni Nicky ang bata kay Theo. Mabilis naman itong kinuha ng huli.

"Baby." Theo soothed as he finally held her little princess in his arms. Fear washed all over him as she's still not breathing. "Eli!" Hiyaw niya at niyanig ng mahina ang likod nito nang wala pa ring nangyari.

The silence was broken by the loudest shriek of hurtful cry. Eli came back with a painful breathing.

Mariin itong nahalikan ni Theo sa pisngi habang bahagyang inihehele.

Nang kalmado na ang bata muling mariing nag-utos ang matandang Acosta para ilayo ang bata at paalisin ang lalaki.

Muling nagkagulo ang lahat nang subukang tumanggi ni Theo. Hinawaakan ito sa balikat ng dalawang gwardya. Mabilis namang kumilos si Nicky at kinuha mula dito si Eli.

"Nick,sandali lang...." Pakiusap ni Theo. Pero walang nakikinig. Walang naawa nang tuluyang makuhang muli mula sa kanya ang anak.

Theo was shoved out from the building.

---

Dean couldn't believed it.

They were walking to the green room after what happened to be the most cruel moment he have ever seen. Kung paanong pinagtulungang itaboy ang daddy niya sa kabila ng pakiusap at pagmamakaawa nito.

"Lock the door." Singhal ng mommy niya sa kanya. Still high in anger.

They settled to console Eli na hinahanap na naman si Theo.

"Daddy! Mama,daddy!" Tinutulak nito ang mukha ng ina sa pagpipiglas na makawala.

"Yes,later." Timping tugon ni Nicky.

Ikinuyom ni Dean ang mga kamay. He tried to calm down, pass this through but he knew that her mom's words are far from true.He dried his tears and stood up.

"Saan ka pupunta?" Ani Nicky sa kanya.

"It's my dad,mommy!" Sigaw niya dahil alam niyang sunod siyang pagbabawalan nito. Making her stunned, he took that chance to do what he thought is right. Lumabas siya ng kwarto para puntahan ang daddy niya na siguradong nasasaktan ngayon ng sobra.

It sucks to see his father cry. Nung unang beses niya itong makitang umiyak ay hindi niya mapaniwalaan.

But he couldn't find his dad outside so he called. Few minutes later he found Theo in the parking lot,trying to sober up from crying inside the car that was abandoned months ago.

Naluha kaagad siyang sinamahan ito at niyakap.

.....

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon