:FIRST LOVE 45

50 6 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

45


Nicky

INIHILAMOS ko ang mga palad ko sa aking mukha at mabigat na bumuntong-hininga. Ang pangit ng pakiramdam ko. No,ang pangit ko. I never realized it until now. Until my son rubbed it on my face. I'm terrible!

Nakita na naman niya kung paano ako tumulong sa pamamahiya sa Daddy niya. At ngayon ilang araw na niya akong hindi pinapansin. Tapos binibilang ko pa ang natitirang panahon bago siya umalis. Para akong mitsa na nagpipigil na maupos at maubos. There is this giant pressure above me I couldn't lift off of me.

"Um,nandito ka?" Ani Kuya Gib pagpasok ko ng opisina niya. Kumunot ang kanyang noo nang makita siguro ang kapaguran sa anyo ko. Like he just saw me carrying heavens on both my shoulders. "Problema mo?"

Umupo ako sa tapat niya. Itinigil naman niya ang ginagawa para paglaanan ako ng panahon na harapin. Bagay na inaasahan ko at kailangan ko ngayon. I need someone who's going through the same shoe as I.

"Talaga bang hahayaan mo na lang si Papa na ipadala si Wil abroad?" Napapagod na tanong ko. I'm going through with this again. Baka sakaling magbago ang isip nila. Ayokong malayo sa akin si Dean.

Tumingin ako kay Gibson at natagpuan kong mataman siyang nakatingin sa akin,magkadaop ang mga palad sa ibabaw ng kanyang magulong mesa at malalim ang kunot sa noo. Oh God,I know that look. Sawi akong napabuntong-hininga,pinigilan kong huwag maging emosyunal ngunit nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang sampal sa akin ng reyalidad na pakiramdam ko ay dadagta anumang sandali ang mga luha ko. "Please naman,huwag na. Hindi na ako makatulog kaiisip na ilang buwan na lang aalis na si Dean." Iyak kong may pagsusumamo.

"Sigurado ka ba na yan ang iniiyak mo?"

Umurong ang mga luha ko sa narinig ko at nalilitong tumingin sa kanya. "Ano?"

Ilang segundo marahil niya akong tinitigan kagaya kanina hanggang sa makaramdam ako ng pagkailang. Na parang nababasa niya ako. Nagbaba ako ng tingin,tinuyo ang mga luha ko hanggang sa muli siyang magsalita.

"Para sa kagaya mong single mom,masyado kang madrama." Aniya na tuluyang nagpatigil sa pag-iyak ko at kunot-noong bumaling sa kanya. May insulto ang sinabi niya pero nabigla ako kaya hindi ko magawang makapagsalita. Awang ang mga labi kong nakatingin sa kanya habang sinasabihan ako ng mga bagay na ngayon ko lang maririnig mula sa kanya. "Hindi mo pa naranasan ang magpamilya ng buo but there you are acting like a troubled married woman. Bakit? Sino ba ang nagsabi na madali ang magpamilya? Ang mag-asawa? Tingin mo ba por que hindi mo kami nakikitang nag-aaway ng Ate Alice mo ay okay kami? Just because were complete unlike you does it mean that were a perfect family. Ano ba ang tingin mo sa buhay,Nicky? Romance novel?"

Humigpit ang paghinga ko sa tumataas na direksyon ng usapang ito. I decided to stop my crying for I feel being mocked right on my face. I'm being ridiculed! "Ano bang pibagsasabi mo?" Pikang putol ko. Mataas din ang ere ni Kuya Gib kung pagbibigyan at hindi nakakapagtaka dahil deserve naman niya. He's always been a perfect person,that well-blessed,God-favored people you know. Kaya hindi ako papalag kung aangasan man niya ako,and I'm just being me showing any people would think as their normal reaction when being mocked.

"Kaya ka nagkakaganyan dahil ang totoo ay nagi-guilty ka lang."

"Hindi ako nagi-guilty." Aniko sabay pagdaloy ng nerbyos sa katawan ko.

"Guilty ka,Nick." Giit niya. "Nagi-guilty ka lang dahil hindi kayo magkaayos-ayos ni Dean. Nagi-guilty ka dahil alam mo sa sarili mo na kasalanan mo. Alam mong okay sa mga bata na bumalik ang tatay nila pero ayaw mo dahil ayaw mong maiwan. You're clinging to that grudge,you're using it just to hide the real reason. Halata naman sayo na mahal mo pa yung tao ang problema lang ay kung mahal ka pa ba niya?"

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now