:FIRST LOVE 19

61 9 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

Due to technical error I can no longer use my first account.

But you can still read the prequel of this story titled Me,My Mom & Her Bestfriend at my original account Robin_Blue.

Thank you.
--------------------

19


Theo

DUMILAT ako at gumising. My body clocks ticked as its usual set. And as I openned my eyes I saw her pair of eyes already staring at me.

Napaniginipan ko siya at alam kong hindi na ito panaginip ngayon. I indulged myself on staring,I never blinked. Para akong lumangoy sa sari-saring mga emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata. Mga pakiusap,nagmamakaawang dalhin ako sa kung saan nya ako gustong naroon. So I stared back blankly. Hindi ako maaaring magpatangay,kahit gustung-gusto ko. At kung maaari lang,maaari bang ito na lang ang umagos pabalik sa 'kin?

Pero ang mukha ng mga anak ko ang kaagad kong naaalala. Si Angelo,si Eloisa.

Pumikit ako at mabilis na bumangon and I saw the other beds empty. Nasan na yung mga yon?

Bumaba ako ng kama. Gusto kong lingunin si Nicky pero nagmatigas akong lumabas ng kwarto. Doon ay nakita kong kanya-kanyang latag at higa sa sofa ang apat kong mga kasama. Nakaramdam ako ng hiya at kababaan ng loob.

Palabas ako ng banyo nang mapagbuksan ko si Nicky. Umiwas agad ako ng tingin at pinadaan siya. Sa kusina ay tahimik ang bawat kilos kong naghanap ng maihahain para sa aming lahat. Pero wala akong makitang magugustuhan ng bisita ko. Hinintay ko siyang lumabas.

"Magbihis ka,sa labas na lang tayo kumain." Sabi ko sabay iwas ng tingin. "Hintayin kita sa labas." Sabi ko at nagpatiuna,nakuha ko na kanina ang wallet ko at shades habang nasa loob siya ng banyo.

Alam kong nagtataka siya pero ramdam kong masaya siya at excited rin siya.

Dahil nasa pinakaabalang bahagi ng syudad ng Kuala Lumpur kami ay walking distance na lang ang sa sentro.

Narinig kong tumawa ang nakasunod sa likod ko.Nasa harap kami ng Mcdonalds. Lumingon ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Pinatay ko ang ngiting sisilay sana sa mga labi ko at nagpatiuna na ako sa loob.

Doon ay may mga pinoy crew. Doon ako pumila at gaya ng nakagawian namin sa Pilipinas ay pumili ng mauupuan namin si Nicky. And I know her favorites. Iyon ang inorder ko at dinoble.

Umupo ako sa tapat ng napili niyang pwesto. Sa tabi ng glasswall. Naabutan ko siyang nakatanaw sa labas. Pinapanod ang mga dumaraang sasakyan at mga tao. Mostly Malaysian women in their traditional clothings. Ginaya ko ang ginagawa niya. Nang balikan ko siya ng tingin ay nakatingin na siya sa akin. Agad akong nagbaba ng tingin habang magkahawak ang magkatukod na mga kamay ko. Maganda sana ang timing para sa isang masayang kwentuhan. Napakarami kong gustong itanong at sabihin.

Narinig kong huminga ng malalim si Nicky. Gaya ko frustrated sa kinikilos ko. Tumayo ako at nagsabing magbabanyo.

Nakahanda na ang mga pagkain nang bumalik ako at may kausap si Nicky sa cellphone niya. Videocall.Kinabahan ako nang malaman ko kung sino ang nasa kabilang linya.

"Here's Daddy...." Sabi niya at iniharap sa akin ang screen at dahil sa reflexes ay napaitsa ako ng tingin. I was caught by my daughter's tiny face smiling widely at me. Pamilyar ang emosyon na kaagad dumaloy sa akin. I bit my lip,swallowed the lump,breathe deeply as my chest constricted.

"H-Hi baby...." Hindi ko napigilan at atubiling inabot ang phone. Nasulyapan kong nakangiti ng malaki si Nicky sa ginawa ko.

Lumunok muli ako at pasimpleng suminghot,umastang wala lang. Pinagmasdan ko ang anak ko at background niya,hinahanap ng tingin ko si Angelo. Pero mukhang solo ni Eloisa ang tawag gamit ang laptop. Nakasuot ito ng earphones na ipinag-alala ko.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now