:FIRST LOVE 48

58 4 2
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

48


Theo

DEAN is leaving. I felt my heart tugged. He tried explaining to me why. "I know," I said,when he had hard time telling me about the incidents with my family,with his cousins. Nagulat siya kaya sinabi ko kung kanino ko nalaman. And he was deeply sorry. Hindi daw kasi siya nakinig sa akin noon nang sinabi ko na layuan niya sila kaya yon nangyari. Pero tapos na,nangyari na. But his Lolo wants him still to go abroad. Obviously,para ilayo sa akin. Ngumiti ako nang itanggi niya iyon. I smiled for his politeness.

"Ano ang sabi ng Mommy mo?" Iyon na lang ang itinanong ko para ibahin ang usapan. My heart is weighing me down I need to pull myself up.

Humarap siya sa barandilya. Nasa ikatlongvpalapag kami ng mall area,sa atrium,watching people around and below passing. He sent me messages last night,he wanted to meet. May sasabihin daw.

"Ayaw niya. She cries everytime." Sagot niya. Mabagal akong kumurap. As if the pain inside me added a little more serving. Ibig sabihin,his Mom had nothing to do with this. "Ikaw,okay lang ba sayo?" I asked. Lumingon muli siya sa akin,one arm still on the railing and one on his waist. Parang bigla kong nakita ang sarili ko sa kanya. Lihim akong natawa.

"No."

Napatango ako. Tatango-tangong lumapit sa railing at doon sumandal,sinusubukan kong panoorin ang mga tao sa ibaba pero ang utak ko ay umiikot sa maikli niyang sagot. My heart is tugging more. Lumunok ako. "D'you want me to..." I halted when he shook his head. Nakakaunawa akong tumango ng minsan.

"You don't have to." Dagdag niya,I see him looking at me.

Huminga ako ng malalim at marahan. "Pero ang Mommy mo." Muli siyang umiling,this time it was firm. Like he just decided that he won't be making up his mind. "She will get over it soon. I mean," he looked firmly at me when I faced him but had hard time again talking. "Lolo,he's the one who helped us when...,"paputol-putol niyang sinabi at hindi makatingin ng diretso. At naiintindihan ko. Naiintindihan ko na ayaw niya akong masaktan.

Humarap ako sa tinitignan niya sa kabila sabay tapik ko sa balikat niya. Tumingin siya sa akin at tinignan ko siya,pilit na nginitian. Telling him that it's okay. That I know. "I'm sorry for abandoning you." Naiiyak na sabi ko at umiwas nang lumala pa ang pagtutubig sa mga mata ko. Malalim akong huminga. Marami akong gusto pang idagdag pero naisip kong wala na rin naman silbi,much has been done. And I'm guilty to all of it. They were true. Kaya magtutunog defensive lang ako kung isa-isahin ko ang pagpapaliwanag at hindi deserve ng anak ko ang mga walang kwentang salita. Sapat muna na ang kaunti sa ngayon. I can only offer them my silence,my cooperation. Dahil ano bang dapat na gawin ko? Na por que bumalik na ako ay aasta na ako na parang pag-aari ko na sila ulit? I am not a hypocrite. Hindi rin naman dapat ganon,pero maraming nangyari that made me less deserve things. Tatanggapin ko kahit anong natira, kahit pa sa aspeto bilang isang ama.

"Hindi po." Napatingin ako kay Dean at nakangiti siya sa akin. "Salamat sa pagbalik,Dad." Hinga niya at inakbayan ako. Nanatili akong nakatingin sa kanya,hindi makapaniwala na talagang napatawad na niya ako. "Ano?" Aniya sa akin nang nakatingin pa rin ako sa kanya samantalang sinusubukan niyang ibahin ang atensyon dahil malamang nahiya. Ngumiti ako at umakbay ng mas malaki sa kanya. "Iyon na ba yung sasabihin mo sa akin? Then let's dine-in." Aniko nang tingin ko ay nasabi na ang lahat ng dapat sabihin ngayong araw.

Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa akin saka umiling. "Ano pa?" Malakas ang loob na tanong ko,na handa ako sa susunod pa niyang sasabihin. Muling lumamlam ang kanyang mga mata. May hiyang nakatago. "Um,I wanna invite you on Saturday to see my game. It's...,"umiiling siya,yumuyuko kaya hindi niya nakikita na malaki na agad ang ngiti ko. My heart is in joy already. "Huling laro namin to tie and could possibly get us into the quarter. I mean Dad,it's...," kinakamot niya ang kanyang ulo. He looked frustrated. Hindi rin siya makatingin. "I mean-"

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now