PART 3:FIRST LOVE 35

59 6 2
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

35


Theo

BILLS. I didn't know they could hurt.

Nah,silly. Hindi yung amount ng bayarin. Kundi yung pakiramdam na wala ng tumatanggap ng mga halagang pinag-iipunan ko dahil hindi na nila kailangan.

Indeed,it sucks not to be needed.

Useless.

I'm feeling so ffucking damn useless.

"Kanina ka pa nandito. Di ka pa ba uuwi?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago umahon sa pagse-self-pity. Nakaramdam ako ng hiya at kababaan ng loob na inayos ang ginusot kong buhok nang halos sabunutan ko ang sarili ko para maayos na makaharap si Antonio.

Dumagan pa ng bahagya ang kamay niyang tumapik-hawak sa balikat ko bago naupo sa tapat ko.

Maaga yata natapos ang shift niya.

"Gusto mo?" Alok ko ng alak sa kanya.

Umiling siya. Hindi na ako nagpumilit at tumungga ako sabay baling sa tumutugtog na banda sa harapan.

The beer tasted differently.

"Nakahanap ka na ba ng bago mong trabaho? Di mo naman kailangang mag-resign. Ang tagal mo na dito,hirap nyan sayo."

Nagtukod ako ng isang kamay sa pisngi ko. Ayokong intindihin ang sinasabi ni Anton. Nararamdaman ko lang ulit na para akong nawalan ng pakpak sa ginawa kong pagre-resign.

"Sa'n ka galing at ang dami niyang grocery mo?"

Muli akong napahugot ng hininga. That reminds me back. "Nagbayad lang ng mga bills. Dumaan na rin sa supermarket." Malungkot kong saad at inubos ang laman ng pang-apat kong bote.

"Ano'ng bills?"

I shook my head. He doesn't have to know that he was right. Na ilang buwan ko ng binabayaran ang car loan company sa Pilipinas para hindi mahatak ang sasakyang ipinundar ko na ngayon ay wala ng nakikinabang.

"Uwi ka na. Mamaya hanapin ka na naman sa akin ni Icy."

I laughed under my breath. Ffuck my life.

---

Bitbit ang isang malaking plastik ng pinamili ko,mabagal kong tinunton ang daan pauwi sa inuuwian ko.

I swiped to cancel her call. At napatitig ako sa bumungad sa homescreen.

My throat narrowed.

Lumilinaw ang utak ko sa tuwing sila ang nakikita ko. Our family photo brings back the memories like ghosts hunting me down.

Para na naman akong tangang nakatulala sa kinatatayuan ko,nakatitig lang sa larawang araw-araw ko namang nakikita pero hindi ko pinagsasawaang tignan. Sa umaga,sa tangahali,tangina bawat sandali.

I remember coming back. Nang tinanggap nila ako I thought they were the light of my life that shined my dark path. Now what? I was that dark path without the light again.

Halos kaladkarin ko ang sarili ko paakyat sa fire exit sa halip na gumamit na lang ng elevator para mas mapadali ang pag-akyat ko. Pero nasa mood ako ngayon para dusahin ang sarili ko.

Anong sasabihin ko sa batang dinadala ni Icy kung may dalawang anak at isang ina akong iniwan sa Pilipinas para panindigan ko siya?

I sat on the landing of the fourth floor. Timing,I'm alone.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now