:FIRST LOVE 2

65 5 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

Due to technical error I can no longer use my first account.

But you can still read the prequel of this story titled Me,My Mom & Her Bestfriend,at my original account Robin_Blue.

Thank you.

-------

2


LUNCH break dumating si Dean Angelo sa gym.Naroon at naabutan niyang naglalaro mag-isa si Coach Dean.

Kaninang umaga ay nag-text ito sa kanya na magkita sila doon.

"Coach." Isa pang lay-up bago niya nakuha ang atensyon nito.
Nakangiti siya nitong nilapitan habang idini-dribble ang bola na ibinato rin kalaunan sa kanya.

"Let's play for the last time." Anito at pumwesto sa kanyang harapan.
Kumunot ang kanyang noo. "We can play anytime.Tell me,why am I here?"

Coach Dean smiled,nailing na rin sa pagkaprangka niya. "You know,gusto ko lang makipagkwentuhan.Next week hindi mo na ako coach,hindi na rin tayo palagi magkikita.I will seriously miss you.And," he tried stealing the ball but Dean was quick. "Anong kukunin mo sa college?"
Dean dribbled his way inside the three-point line.Hinabol ito ng coach pero dahil mas maliit at maliksi,the kid was able to make a lay-up before his attempt to block the ball.

Napamura si Coach Dean nang maramdaman ang mabigat na pagtapak sa court.Hindi tuloy niya narinig ang isinagot ni Dean Angelo. "What?" Paulit niya.Hinihingal.

Tumayo ang bata sa harap niya,nakaipit ang bola sa pagitan ng kamay at beywang. "I'm taking Architecture."
Natigilan siya at sandaling napamaang na tumitig sa bata. "Really?" Aniyang bakas ang tuwa at pagmamalaki sa kanyang boses. "Nice...can't wait to call you Architect."

Hindi umimik si Dean Angelo.Ngumiti na lang at nagpatuloy sa pakikipaglaro.Sa totoo lang,hindi siya masaya.Seeing Coach Dean acting this way,iba ang iniisip niya na sana kausap niya,kamwentuhan.Nakakainis.

"After grad,birthday ni Chesca.Natatandaan mo pa ba?"

Mula sa pagbantay sa kilos nito,Dean looked up.Of course,natatandaan niya ang birthday ng anak niya.And talking about that brat,magkikita na naman sila.
Malimit na silang magkita ng pamilya ni Coach,kapag may mga okasyon o lakad na gusto siyang isama at sumasama naman siya.But lately,nawalan siya ng gana.Napansin malamang nito kay siya tinatanong.

"Asahan kita ha."

Tumindig siya nang lumundag ito para mag-shoot.Sabay nilang pinanood ang pagpasok ng bola sa ring.

...

NICKY carefully placed Eli on the couch.Pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan nito para isuot ang doll shoes nito.All the while she was huffing.

"Sabi mo si Bianca ang kasama mong bibili.Alam mong mahirap kasama ang kapatid mo sa mall."

Umismid si Dean at hindi na lang nagsalita tutal kasalanan naman niya.Nag-back-out kasi si Bianca sa usapan nila.Kaya nagpapasama siya ngayon sa Mommy niya sa mall kung kailan last minute na.

"Buhat Deaaan!" Eli screamed reaching her little arms to her brother.

"Kuya Dean." Mabilis na pagtatama ni Nicky at mahinang pinisil ito sa ilong.

Sa mall,hindi maawat si Eli.Sa takot na magwala ito kapag pinipigilan,Nicky let her roam around habang tinutulungang sa pagpili si Dean.

"Ito na lang para sa grad ball." Isang Dark blue long sleeves ang napili ni Nicky at dinala kay Dean na wala na sa tabi niya. "Dean?" Iginala niya ang paningin at nahagip ang pamilyar na likod ng anak sa may ladie's section.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon