:FIRST LOVE 5

49 3 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

Due to technical error I can no longer use my first account.

But you can still read the prequel of this story titled Me,My Mom & Her Bestfriend,at my original account Robin_Blue.

Thank you.

-------

5

"WHERE have you been?"

Dean stopped right at the doorway upon hearing her Mom's query.

Ipinagpatuloy niya ang pagpasok at pagsara sa pinto.It's seventeen minutes before twelve midnight.

Tumigil siya sa tapat nito,namulsa at inaantok na sumagot. "Grad ball." Nang hindi umimik ang kausap sinubukan niyang umalis.

Her mom was sitting on the sofa with her back against him.Pero nang marinig ang kanyang paghakbang,lumingon ito mula sa kausap sa laptop.

"Hanggang ten lang ang ball." She coldly said that made him stop from going.Nang muli niya itong tignan,nahagip ng kanyang paningin ang isa pang presensya sa malaking screen.Theo is watching him with firm assessment,na para bang naroon ito mismo sa harap niya at pinagmamasdan siya ng maigi.

Nicky turned to look at him more. "That's not your shirt.Really,where have you been Dean?" Mas seryosong pag-uusisa nito.

Mula sa nagsalita,nagpalipat-lipat ang paningin ni Dean dito at sa nasa screen ng laptop.Sa kanyang mga magulang.

Obviously he was wearing Kiya Gail's oversize shirt with a guitar print.Actually,his jeans too dahil nga basang-basa siya kanina at ayaw naman nila siyang maabutan ng sakit.

"Kuya Gail." He admitted.

Kumunot ang noo ng kanyang ina pero hindi nang nasa screen.

"Gail? Sino yon?" She asked.

Dean raked his hand through his messy hair.Dapat pala inaya niya ang mga pinsan kanina para less explanation.Hinatid siya ng mga ito kanina,naaalala na naman tuloy niya kung gaano sila nagsiksikan sa loob ng iisang sasakyan kanina nang nagkakatuwaan.That memory unconsciously brought smile on his face.

Muling nag-focus ang kanyang paningin sa kausap saka ngumiti ng malaki.Sa tingin niya hindi pa ito ang timing para makilala nito ang mga pinsan niya,lalo na at nandyan nakikinig si Theo.

"Anthony's cousin." He just said and went running fast upstairs.

---

ISA pang malalim na buntong-hininga bago inulit ni Nicky ang sinabi. "Hayaan na natin...wala namang masama."

"Sinabing hindi pwede.Hindi pwede." Ulit din ng kausap sa sinabi habang nagbibihis para pumasok sa trabaho.

Tumiim ang mga labi niya sa pagpipigil na sagutin ito.Kung siya lamang ang tatanungin walang problema sa kanya ang pagiging malapit ni Dean sa mga kamag-anak nito sa ama.

"Basta bawalan mo siya.Hindi niya kilala ang mga taong yon." Mahigpit nitong bilin.

Muli siyang napatingin sa nagsasalita.Gustung-gusto niya itong irapan.Ang bigat sa kalooban. "Hindi naman siguro nila gagawin sa kanya ang ginawa nila sayo...."

"Ano'ng hindi?" Humarap ito sa camera,inilapit ang mukha tuloy kitang-kita niya ang papatubong balbas nito sa panga at ang mas pag-itim pa lalo ng ilalim ng mga mata. "Ikaw na nga ang nagsabi na masama ang tingin ni Mateo sa kanya nang magkita sila."

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora