:FIRST LOVE 34

51 6 0
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

34

Nicky


HINDI ako makapaniwala na nasabi yon ni Dean. I don't mind the shouting,the tone,ganon naman ang anak ko kapag nagagalit na talaga. Ang mga sinabi niya ang gumulat at nagpaiyak sa akin. Ang tumakot sa akin.

The word 'unforgiveable' coming from his mouth changes the image I've been looking up to him. Alam kong galit siya,nakikita at nararamdaman ko yon sa kanya siguro dahil sa mother's intinct o sadyang halata naman talaga pero pinili ko lang na ignorahin dahil nga makasarili ako. Yeah,inaamin ko,gusto ko na lang na mag-move-on na lang kami. Take all the hurt and blame and just get on with it. Pero ang anak ko,ayaw niya ng ganon lang. Hindi ko naman ibig sabihin na nang masaksak ang pinsan niya ay mag-move-on na lang din kami don. Of course,that Tony has to pay his due. Buhay na ang nakataya rito. Pero iyong galit,iyong nakita ko sa mga mata at anyo ni Dean nang gabing yon sa ospital at hanggang ngayon ay gusto ko na lang sana na malusaw na lang. Walang mabuting maidudulot ang galit anak. Pero ganitong binibigyan niya ako ng masasakit na tingin ay para akong inuubusan ng lakas maya't maya. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. Punum-puno sila at....

Bumuntong-hininga ako ng malalim bago kumatok ng isang beses sa pinto ng kwarto niya. Pero naalala ko ang mga mata niya ay napa-katok muli ako ng dalawa pang beses bago ko itinulak pabukas ang pinto.

Nakahiga pa rin siya sa kama. Simula nang umuwi kami kagabi ay hindi na siya lumabas ng silid niya at hinatiran ko na lang ng almusal kanina para makakain.

Sa boses ko ay pinag-igihan pa niya ang pagkakahiga habang nakatalikod mula sa akin. That hurt me. Ayokong ginaganito ako ng anak ko.

"Dean,gising na raw si Wil,gusto mo ba siyang makita?" Mabilis ang naging reaksyon niya. Alam kong hinihintay niya ang anumang balita sa pinsan niya. At tumawag sa akin si Ate Alice kanina lang para ibalita ang improvement kay Wil.

Bumalikwas ng higa si Dean saka marahang bumangon at tumingin sa akin. Sumisiksik ngayon sa galit na mga mata niya ang pag-aalala at pagkasabik.

Pag-uwi pa lamang namin kagabi ay sinentensyahan na siya ng Lolo niya na hindi muna siya makakalabas ng bahay hangga't hindi nahuhuli si Tony. Kaya naroon ang pangamba na baka hindi siya payagan ni Papa na dumalaw kay Wil.

"Bihis ka na,ipapaalam kita sa Lolo mo tapos sasamahan kita don." Nangangakong sabi ko bago ko siya iniwan sa kwarto niya at puntahan naman si Papa sa ibaba.

Pero malayo pa lang ako at kalalabas lamang ni Papa sa silid nila ni Mama nang kunot na agad ang noo niyang pinagmasdan ang hitsura ako.

Hindi talaga ako papasok ngayon dahil titignan ko si Dean. Kaya suot ko pa rin ang pantulog ko na pinatungan ko lamang ng roba.

Tuluyan kong binitiwan ang pole cap ng hagdan para lumapit. Bata pa lang ako rebelde na akong anak kaya ganito ako kawalang takot sa magulang.

"Pa-"

"Why aren't you on your uniform? Ano'ng oras na Nicolette." His stern voice makes it way to stir me.

"Hindi muna ako papasok,Pa." Mabilis na sabi ko at napabilis ang pagsara niya ng butones ng kanyang mamahaling suit at tinignan ako ng pagkasama.

"Even you're my daughter,I tolerate nobody's tardiness,so you better get dress."

Naubos ang pagtitimpi ko. "Si Kuya nga hindi-"

"Is your son the one in the ICU?" Matalim ang boses na putol niya.

Right. Hindi ko naisip yon. Pero hindi ba niya naisip na anak ko naman ang tinangkang patayin at ngayon ay may trauma din? Alam kong malakas si Dean pero darating ang panahon at babalikan siya ng takot kaya ngayon pa lang ay inaagapan ko na. I even thought of calling a psychologist for an intervention. Ang problema kasi kay Papa at Kuya ay pare-pareho nilang isinisisi sa anak ko ang nangyari kay Wil. Okay lang na maramdaman nila yon pero huwag naman ang ipahalata dahil unfair naman.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now