Simula

485 16 9
                                    

Simula


"Ano ang pinaglalaban mo para sa ating bayan?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ano ang pinaglalaban mo para sa ating bayan?"

Magtataka kayo siguro kung bakit ako nandito ngayon sa plataporma ng Death Plaza kung saan pinapatupad ang Capital Punishment, ang binibitay sa ilalim ng batas. Lumaban lang ako at iyon ang naging kasalanan ko sa bansang ito.

Ang lubid ay nakayakap sa aking leeg, hinihintay na sakalin ako, pinipilit kong pumiglas ngunit mahigpit pa rin kapit ng posas sa aking magkabilang pulso.

Pumatak ang pawis sa aking noo, bumibilis ang pintig ng puso ko, muli kong pinagmasdan ang tatu ng sampaguita na nakabuhol sa aking braso.

"Hindi sapat lahat ng sasabihin ko," madiin kong sagot.

"Sa aking pagkakaalam, 'nung nagsimula ang rebelyon ay sobrang dami niyong pinapakalat na balita, ngunit ngayon, ang inyong mga labi ay selyado? Nasaan ang tapang sa dila ninyo at natunaw na lamang sa harpa ng batas?"

"Hindi dahil wala ako masabi pero marami akong gustong sabihin na magpapatumba sa'yo."

Matalim ang aking mga mata na tiningnan ang kumander na nagbibigay ng anunsyo sa harap ng mga deboto na nanunuod sa amin. May pormal siyang suot na uniporme at ang aking kaluluwa kapag pinakawalan niya na ang lubid.

Lahat sila'y nag-aabang ng susunod na mamatay sa kanilang batas. Papanuorin nila kaming mabitay sa kamay ng gobyerno.

"Karapat-dapat ba ipaglaban ang Pilipinas para sa'yo?" natahimik ang bulungan ng mga tao mula sa tanong nito.

"Hindi ko pinaglalaban ang pangalan ng Pilipinas," sabay dinuraan ko ang sapatos niya at matalim ang mata kong tiningnan siya.

"Narinig niyo ang sinabi ng kriminal! Isa siyang traydor ng ating bansa! Hindi matuturing na Filipino o kahit tao! Mas masahol pa siya sa hayop!"

Wala akong matatakasan. Ito na ang huling hantungan ng aking kwento, ang mamatay sa palad ng may kapangyarihan.

Ngunit, lalaban pa rin ako hangga't sa aking makakaya. Kahit sinasaksak pa nila ako at barilin sa dibdib, patuloy ko pa rin ilalahad ang aking boses sa mundo. Patuloy kong ipipinta ang aking hangarin mula sa aking dugo.

"Isa siyang kriminal ng sistema! Nagawa niya ang mga karumal-dumal na mga krimen upang labanan ang gobyerno at ang bansang ito! Hindi siya karapat-dapat na mabuhay dahil tinakwil niya ang Pilipinas at pangulo!"

Tuwid ang tayo ng kumander nang hinigpitan niya ang kapit ng lubid sa leeg ko na halos hindi na ko makalunok nang maayos.

Ibibitay ako ng kumander ng militar dahil bilang isang rebelde ay katumbas ito ng kamatayan.

"Ano ang huli mong mensahe bago ka namin ibitay?"

Huminga ako nang malalim. Magiting ang aking mga mata at nakataas-noo na tiningnan ang buong bansa. Walang public execution ang makakabitay ng aking katapangan.

"Ipapahayag ko ang aking boses sa mundo! Pakinggan niyo ang awitin na maihahandog ko sa inyo! Ang tunay na kalayaan ay nasa ating kamay at pagkakaisa! Gamitin niyo ang kakayahan ninyo na labanan ang sistema! Huwag kayong matakot na isigaw ang boses niyo! Pangako na makakalipad tayo para maabot ang kalayaan!"

Nabalutan kami ng mahabang katahimikan. Hindi ko alam kung pinakinggan ba nila ang boses ko hanggang sa may tumugon mula sa madla.

Sunud-sunod inangat ng sambayanan ang kanilang kamao na nanunuod ng aking public execution sa kabila ng mga deboto na nais makita ang aking pagkamatay, mayroon pa rin sa kanila ang mapanatag na nagkaisa para sa bayan at ang aming hangarin.

"Huwag niyong tularan ang rebelde!" suway ng kumander ngunit nanatili ang kanilang kamao na nakaturo sa mga tala.

Ngumiti ako sa samabayanan pilipino na nagtaas ng kanilang kamao.

"Sa ika-apat na Agosto ay nakatatak ang araw ng public execution ni Malaya Emerita Solidad bilang isang rebelde laban sa gobyerno at sistema!" anunsyo ng kumander. "Ibitay ang kriminal!"

Sundan ang batas at ang batas ay sasakal sa'yo.

Makinig sa kampanya para kayo ay mauto.

Manatiling ignorante at habang-buhay kumapit sa maling pangako.

Hindi ako natatakot sa kamatayan. Taas-noo kong haharapin ito na may tapang sa aking puso. Ang ikinatatakutan ko ay ang mabuhay sa isang malaking kasinungaling, ngayon na bukas ang isipan ko, hindi na ko makakabalik sa dati pa.

Malabong uunlad ang ating bansa dahil watak-watak ang ating pananaw, paniniwala, at pag-iisip. Mahahanap lamang ang pagkakaisa ng tao mula sa mga mata'y namulat sa katotohanan.

Habang may mga tao na may kapangyarihan na kontrolin ang ating kabuhayan, habang sila'y nakaupo sa trono at iniipon ang pera ng sambayan, unti-unting nababawasan ang ating kalayaan.

Buksan ang inyong mata sa ating realidad.

Ilahad ang iyong isipan sa liwanag ng aking awitin.

Ipaglaban ang iyong karapatan at ang sambayanan para sa kinabukasan.

Dahil ang digmaan ay nangyayari sa pang araw-araw natin kabuhayan. Ang digmaan na matagal na natin iniiwasan harapin at ito ay nagtatago sa likod ng mga kasinungalingan.

Ako si Malaya Emerita Solidad, ang Ibong Maya ng Kalayaan na sumisiklab ng rebolusyon laban sa korup na sistema at gobyerno.

Let your voice be heard in the rebellion.


MageAestheria

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now