Special Chapter 3

325 13 3
                                    

Aljun's point of view

"Mahal mo pa, Oreo?"  Rinig kong tanong ni Spicy kay Oreo.

Nagsspin the battle kasi ang girls sa kwarto ni Oreo tapos kaming mga boys nasa sala, nagchichill.

Nasa condo nga pala kami ni Oreo, share ko lang naman.

Tinulungan namin siya maglipat at mag-ayos na rin. Lam niyo naman, mabait kami. Lalo na ako pero syempre anong kapalit? Pagkain.

So balik don sa narinig ko, napadaan kasi ako don dahil nagcr ako, wag kayong mapanghusga at sabihin na chismoso ako, may tenga ako kaya narinig ko pero di ko sinadya. Pramis.

Dahil nga narinig ko na, sinulit ko na rin para machika ko kila Brent.

Talagang ginalingan ko yung pagtatago para lang di ako makita.

After 1 minute ng katahimikan.... Bat napakatagal naman sumagot ni Oreo?

Makasilip na n---- "Ano ba yan Aljun!"

"Ay anak ng Malkist!"

Nagkabungguan lang naman kami pero siya tumama yung ulo niya sa  baba ko.

"Ayieeee! Muling ibalik ba?" Asar ni kupal Brent. Nakasilip na pala ang mga kupal mula sa sala.

"Tanong, may ibabalik ba?"

"Ay! Realtalk ba to, Chips? Kung may ibabalik man dito, di kami yun." Natatawang sagot ni Malkist.

"Sila Oreo ba?"

"Lah! Bat nadamay ako, Kib? Lumayas ka na nga dito Aljun! Bat ba kasi andyan ka?"

"Narinig ko lang naman kasi kung mahal mo pa daw ba si Ricci?"

"Chismoso! Pero si Ricci ba tinutukoy niya?"

"Pero seryoso Oreo, love mo pa?" Natahimik kami lahat upang hintayin yung sagot ni Oreo. Kung pag-usapan namin parang wala dito si Ricci e no?

Kita naman kasi ang bawat isa kahit pa iba-ibang area. Tila lapit-lapit din, getchu? Bala kayo diyan.

Lahat kami tutok. Tapos biglang tumayo si Oreo mula sa pagkakaupo niya sa sahig sa kwarto niya at naglakad papunta sa sala. Sinundan naman ito ng tropa niya.

Naupo siya sa harap ni Ricci at kita ko ang dahan-dahang pagngiti niya rito.

"Oo, mahal ko pa--"

"Tangina! Ayon naman pala e, edi balikan na ya--" Pagreact ni Jollo. Bida-bida.

"Pero di ibig sabihin non, pwede pa."

"Ha?" Lahat kami nagreact pwera kay Ricci.

"Diba kapag minahal mo na yung isang tao, mahal mo na siya forever kahit pa may dumating ng iba, kasi naging part na siya ng buhay mo. Mahal pa rin kita Ricci, di na mawawala yun."

Tangina ang heartbreaking ng scene. Do you feel me guys?

"Bakit bawal na? Bakit di na pwede?"

Oh akala niyo si Ricci ang nagtanong no? Syempre hindi. Si Jollo na naman. Paipal tulugu! Akala niya yata siya si Ricci.

"Kasi naubos na ako e, wala ng natira. Nasira na ako non, ayaw ko na magpakawasak ulit. Ayaw ko ngang magkajowa ng sikat diba? Ang gulo, daming nakakaalam, daming nakikialam. Daming kaagaw, daming hadlang. Nakakapagod yung sitwasyon, nakakasawa. Ewan, parang kahit sino, wag lang si Ricci. Parang pagmimahal ka, sobrang sakit. Ang totoo, yung sakit andito pa rin e. Di  na yata mawawala. Mukhang masaya ka na naman bae, mukha okay ka naman na kahit wala ako. Ri, malaman ko lang na okay ka, okay na rin ako. Okay ka naman diba? Kasi sa mga  nababasa ko, maayos ka naman. Please, sabihin mo saking ayos ka lang kasi Ri... baka bumalik ako kasi... pero ayaw ko na... sabihin mong okay ka na Ri, please?"

Tumayo si Ricci at naglakad papunta sa pinto.

"Okay lang ako. Yan naman ang gusto mo marinig diba? Sige na, okay na ako." Kahit hindi.

Sabay walkout.

Nakakaiyak kasi parang pwede naman magbalikan diba? Pero parang di na pwede. Pwede pala yun no? Kahit mahal mo pero parang malabo na, pag pinilit pa ni Oreo, baka lalo lang silang magkasakitan. Yung love di naman nawala. Sa mga issue kay Ricci, baka maapektuhan sila ni Oreo. Yung pareho silang sira pero di nila kayang buoin yung isa't-isa. Ang kumplikado ng lahat.... sa ngayon.

"I'm sorry bae, I love you. I still love you pero sobrang sakit mong mahalin. Mula noon hanggang ngayon, you're so far. Super far." Bulong ni Oreo sa sarili.

Ako nasasaktan para sa kanila e.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang