Twelve

410 5 0
                                    

Nagaabang sa pagbabalik ng mga bituin, inaabangan kung babalik ka rin. Dumaan na naman ang panibagong gabi, sana'y magpakita kahit sandali.



"Ry, gising na."

"Ry."

"Hoy. Tara na."

"Ry"

"Ry, may Jollibee sa labas."

Napadilat ako ng marinig ko yung huling sinabi ng gumigising sakin.

"Alam ko na pano ka gisingin."

"Ricci, ang aga aga e!"

"Dali may papakita ako sayo."

"Siguraduhin mong maganda yan at may pagkain dapat ha, kundi malilintikan ka sakin."

"Oo. Dali na!" Sabay hatak sa akin patayo.

Nang mahatak na niya ako ay pinatungan niya ako ng jacket, eto yung jacket noong nasa van kami tapos yung pinag-awayan namin ni Eunice.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Huwag ka munang maingay diyan, pwede?"

"Duh! Ang aga aga e, antok pa ko." Maktol ko.

After ng ilang minuto naming pagtayo, "Hoy nasaan na yung sinas--" di ko na natapos yung sasabihin ko ng ilagay niya yung hintuturo niya sa labi ko.

"Ayan na." Sabay turo sa ng kalangitan.

"Mas better yan sa sunset." Dagdag niya pa.

"Ha? Bakit?"

"E kasi ibig sabihin, may panibagong araw para magsimula. Oo nga't may katapusan pero diba magsisimula muna sa umpisa?"

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. "Sunrise means new beginning."

Tango ko naman, "Pero mas maganda pa din ang sunset para sa akin, tapos susundan pa ng stars. Ang ganda lang tignan."

"Maganda rin naman ito ah?"

"Kanya-kanya naman tayo ng paniniwala e."

"Sabagay. Oh ano tara na?" Anyaya niya sa akin.

"Tara na, antok pa ko e."

Nang makita niyang nakatayo pa din ako, "Hoy! Tara na nga."

"Buhatin mo ko." Sabay taas ko ng dalawang kamay na tila nagpapabuhat.

Agad naman siya lumapit at ipinasan na ako. Unti-unti ko ng nararamdaman ang antok.

------

"HOY RICCI ANONG GINAWA MO SA KAIBIGAN NAMIN?" Sigaw ni Cookie.

"Hindi mo naman sinabing papahelehin mo si Oreo." Wika ni Malkist.

"Anong nagyari diyan?" Tanong ni Spicy.

Nagising ako sa ingay sa paligid. Bumaba naman ako sa likod na Ricci, alangan naman tumambay pa ko don?

"Bakit ka buhat-buhat ni Ricci?" Tanong ni Chips.

"Ah e, nakatulog ako?" Di ko siguradong sagot.

"San kayo galing? Ikaw ha!" Pang-aasar ni Pancake.

"Diyan lang."

Nasa tapat na pala kami ng tent kaya ang tropa lang ang naririnig ko.

"Ah sige Ry, punta na ko sa tent." Paalam niya sa akin.

"Ah sige. Tulog pa ko ha."

Papasok na ko ng tent ng harangan nila ako.

"Anong tulog pa ko?" Taas kilay ni Malkist.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now